Kung sa tingin ninyo ay may
gumawa sa inyo ng krimen, ang mga sumusunod na proseso ang dapat gawin:
(1) Magpa-Blotter sa Pulis - Tandaan,
ang pagpapa-blotter ay hindi pa pagpa-file nang complaint o kasong kriminal
laban sa inaakusahan mo na gumawa sayo nang krimen, kaya kung nagpablotter ka
lang, hindi agad huhulihin nang pulis ang nirereklamo mo, maliban na lang kung
sya ay aktong gumagawa nang krimen, aktong gagawa pa lang o katatapos tapos
lang gumawa; o di kaya kumuha muna sila ng warrant of arrest mula sa Judge;
(2) ipa-Barangay ang Akusado,
kung ka-barangay mo ito o nasa isang munisipalidad o lungsod lang kayo at
mababa lang naman ang krimeng nagawa (mababa ang krimen na nagawa kung hindi
hihigit sa 1 taon ang posibling parusa nito, kagaya nang slight physical
injury, unjust vexation, light threat o malicious mischief) --- mas maigi kasi
na kung mababa lang ang krimen na nagawa ay sa Barangay na lang muna mag-usap
ang magkabilang panig baka magkasundo pa kayo at di na umabot pa sa korte.
Tandaan na kung ang posibleng parusa ay pagkakakulong na hindi hihigit sa 1
taon, kailangan ng Certificate to File Action (CFA) mula sa barangay, kung
walang CFA madidismiss lang ang kaso;
(3) magpagawa ng sinumpaang
salaysay sa Abogado o sa Pulis, at itong sinumpaang salaysay ang dapat ma-ifile
sa Prosecutor / Fiscal’s Office sa Municipality / City kung saan nang yari ang
Krimen - Kung sa National Capital Region (NCR) / Metro Manila o ibang
malalaking lungsod kagaya nang Cebu City nangyari ang krimen, lahat nang kaso
ay dapat i-file sa Prosecutor / Fiscal’s Office, pero kung sa munisipalidad sa
labas ng NCR nangyari ang krimen at hindi hihigit sa 4 na taon 2 buwan ang posibleng
pagkakakulong, maaari nang ideretso ang reklamo sa Municipal Trial Court or
Municipal Circuit Trial Court;
(4) ang Prosecutor / fiscal ang
magdedesisyon kung ano ang dapat ikaso sa akusado, kahit gusto mo ng mas mataas
na krimen (halimbawa frustrated murder) kung sa tingin nang prosecutor / fiscal
ay mababang krimen lang ang nagawa (halimbawa less seriuos physical injury),
ito ang ipa-file ng prosecutor/fiscal sa korte, maaari nga na idismiss ang
complaint mo ng fiscal --- nagkakaroon kasi ng preliminary investigation ang
prosecutor / fiscal kung saan, diringin din nya ang panig ninyong dalawa --
ikaw at ang akusado -- sa pamamagitan ng pagsusumiti ng mga sinumpaang salaysay
ng bawat panig. Sa Preliminary Investigation nakakapagdesisyon ang Prosecutor /
fiscal kung ano dapat gawin sa kasong isinampa;
(5) sa nagrereklamo o biktima, huwag
mamoroblema sa abogado. kung i-pa-file ng Prosecutor / Fiscal ang kaso laban sa
nirereklamo mo, si Prosecutor / Fiscal na ang magiging abogado mo, libre pa,
pero kung gusto mo ng pribadong abogado, pwede naman, pero dapat ay may
pahintulot si prosecutor / fiscal. Sa mga akusado, kung 13,000 below ang kita
kada buwan, maaaring humingi ng tulong sa Public Attorney’s Office (PAO). Kung
may pera kayo, kumuha ng pribadong abogado. [subalit
kung sapat lang naman ang pera, mas makabubuting huwag nang gumawa ng krimen]
Source: FB - Mga Payong Legal ni
TiagoMontiero: Agosto 13, 2012
Sa pagkasunod-sunod proseso at tips na ito malaking tulong sa mga naabuso na di nakapag-aral at walang alam sa batas. Napakagandang article!
ReplyDeleteNegosyongPinoy.info