Thursday, February 25, 2010

News Release

PGMA BIBISITA SA SORSOGON

SORSOGON PROVINCE (February 22) – Nakatakdang dumating ngayong hapon si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo dito sa lalawigan ng Sorsogon.
Ang pagbisita ng Pangulo ay kaugnay ng gagawing switch-on ceremony ng internet connection sa Donsol Comprehensive National High School sa bayan ng Donsol.
Ang modernization at computerization program na ito sa mga paaralan sa buong Pilipinas ang nakikitang paraan ng DepEd upang upang gawing information technology o IT literate ang mga mag-aaral nang sa gayon ay makahabol ang mga ito sa global demand ng mga ITs partikular pagdating sa larangan ng trabaho.
Pagdating ng pangulo ay agad na didretso ito sa computer room ng Donsol Comprehensive High School kung saan magkakaroon siya ng interaction sa mga mag-aaral at guro ditto.
Susundan ito ng maikling programa na kinabibilangan ng welcome remarks ni Sorsogon Gov. Lee, message at overview ng pagbisita ng Pangulo na ibibigay ni Schools Division Superintendent Marilyn Dimaano, presentation of accomplishment report on internet connection in public high school at mensahe ng Pangulo.
Matapos ang aktibidad sa nasabing paaralan ay magkakaroon din ng inter-aksyon ang Pangulo sa mga taga-media upang mabigyang pagkakataon din ang mga ito na makasalamuha ang Pangulo at kung may pagkakataon ay makapagpaabot ng kanilang mga katanungan sa kanya.
Mahigit dalawampung media mula sa Sorsogon ang inaasahang dadalo sa gagawing media inter-action sa Donsol. (BARecebido, PIA Sorsogon)

No comments:

Post a Comment