Tuesday, February 16, 2010

Tagalog News Release

2010 STATE OF THE PROVINCE ADDRESS

SORSOGON PROVINCE (February 15) – Naging makahulugan at puno ng kulay ang naging paglalahad ni Sorsogon Governor Sally Lee ng kanyang State of the Province Address kahapon, February 14, kasabay ng pagdiriwang ng araw ng mga puso, Chinese New Year at ng pagbisita dito sa lalawigan ni vice-presidentiable Edu Manzano.

Sa state of the province address ng gobernador, inisa-isa nito ang kanyang mga nagawa sa tatlong taon niyang panunungkulan bilang gobernador, na tinagurian nitong Heart of HEARTS: a report to the people.

Tampok dito ang kanyang mga nagawa sa ilalim ng kanyang HEARTS program kung saan ang H ay nangangahulugang Health, E para sa Environment and Education, A para sa Agricultural Development, R para sa Rural Development, T para sa Tourism at S para sa Shelter.

Aniya ang Millennium Development Goals ang ginawa niyang batayan kung kaya’t nabuo ang kanyang HEARTS program na siya ring nagsilbing inspirasyon nya sa kanyang pamamahala bilang gobernador ng lalawigan.

Sa pahayag din ni Gov. Lee, sinabi nito na pangarap niyang gawing “Land of Kasanggayahan by 2010” ang lalawigan ng Sorsogon. Kung kaya’t umapela din siya sa susunod na magiging gobernador at mga lider ng lalawigan na ipagpatuloy ang kanyang nasimulan upang tunay na mapagsilbihan ang mga mamamayan ng Sorsogon.

Si Gov. Sally Lee ay ang kauna-unahang babaeng gobernador ng lalawigan, at sa pagtatapos ng kanyang tatlong taong paninilbihan bilang gobernador ay nagdesisyong i-withdraw na lamang ang kanyang kandidatura sa darating na 2010 elections at tumutok na lamang sa pag-aalaga sa kanyang pamilya.
(Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)

No comments:

Post a Comment