Tagalog News Release
SORSOGON PROVINCE (July 7) – Sa ika-sampung taon ng Saringgaya Awards, muling kinilala ng Department of Environment and Natural Resources ang husay at mga natatanging kontribusyon ng iba’t-ibang mga institusyon sa rehiyon ng Bikol sa larangan ng pamamahala at pangangalaga sa kalikasan at sa mga likas na yaman nito.
Kabilang ang Bacon-Manito Geothermal Multipartite Monitoring Team (kung saan aktibong patner nito ang PIA Sorsogon) sa nakatanggap ng individual citation sa ilalim ng special category ng 2010 Saringgaya Awardess.
Nakuha ng BMGMMT ang pagkilala dahilan sa outstanding performance nito bilang isang operational Multi-Partite Monitoring Team at sa pagbuo at pagsasakatuparan nito ng Manual of Operation na tumitiyak sa makabuluhang pagpapatupad ng isang maayos na environmental management systems ng Energy Development Corporation at NPC-Bacon Manito Geothermal Power Plant at Bac-Man Airshed.
Maliban sa BMGMMT, apat na iba pa ang kinilalang Saringgaya Awardees ngayong taon na kinabilangan ng University of Sta. Isabel – Mother Seton Hospital ng Naga City sa ilalim ng Small-Scale Industry Category, Munisipalidad ng Magarao sa Camarines Sur sa pamumuno ni Mayor Nelson B. Julia sa ilalim ng Local Government Unit Category, Philippine Science High School – Bicol Region Campus sa Tagontong, Goa, Camarines Sur sa kategoryang Academe at ang Camarines Norte Water District sa pamumuno ni General Manager Ma. Antonia F. Boma sa Special Category.
Ayon kay DENR Regional Executive Director Joselin Marcus Fragada, ang Saringaya Awards ay taunang aktibidad na inorganisa ng DENR Bicol at may layuning kilalanin ang mga institusyong tulad ng akademya, LGU, People’s Organization at iba pang mga organisasyon ng pamahalaan, small-medium to large scale industries at mga indibidwal kung saan ang kanilang operasyon at sistema sa kabuuan ay umaayon sa mga gawain, pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan at mga kayaman nito.
Ang Saringgaya awards 2010 ay isinagawa kamakailan lamang sa pamamagitan ng isang simpleng seremonya sa pagtatapos ng Environment Month celebration sa Casablanca Hotel sa lungsod ng Legazpi ay pangsampung taon na sa larangan ng pagkilala sa mga makakalikasang adhikain ng mga institusyon.
Ang Saringgaya ay terminong Bikolnon na nangangahulugan ng kasaganaan, kayamanan at kaunlaran. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon/DENR)
No comments:
Post a Comment