Monday, July 26, 2010

SORSOGON BAY NANANATILING POSITIBO SA RED TIDE

Tagalog News Release

SORSOGON CITY (July 27) - Sa iba pang mga kaganapan, nananatiling positibo pa rin hanggang sa kasalukuyan ang Sorsogon Bay sa lason ng red tide kung kaya’t nananatili ding nakataas ang shellfish ban sa buong lalawigan.

Ito ay base sa ipinalabas na Shellfish Bulletin No.16 Series of 2010, na may petsang July 22, 2010 kung saan maliban sa Sorsogon Bay ay positibo din sa Paralitic Shellfish Poisoning ang mga katubigan ng Dumanquillas Bat sa Zamboanga del Sur, Bislig Bay sa Surigao del Sur, Matarinao Bay sa Eastern Samar, Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Oriental.

Kaugnay nito, mahigpit pa rin ang paalala ng BFAR sa mga mamamayan dito na mag-ingat laban sa paralytic shellfish poisoning. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)

No comments:

Post a Comment