SORSOGON PROVINCE – Hangad ng lokal na pamahalaan ng Sta. Magdalena sa ilalim ng pamumuno ngayon ng bagong halal na alkalde na si Mayor Alejandro Gamos na muling paigtingin ang pagpapatupad ng kanilang Zero Waste Management Program.
Ayon kay Gamos, ngayong muli siyang nakabalik bilang alkalde ng Sta. Magdalena ay nais niyang tuloy-tuloy nang maipatupad ang programang pangkalinisan ng kanilang bayan.
May mga naihanda na diumanong mga hakbang ang kanilang lokal na pamahalaan sa implementasyon ng Zero Waste Management Program batay na rin sa programa ng pamahalaang nasyunal sa ilalim ng Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Sinabi ni Gamos na sa kasalukuyan ay kumpleto na sa kaukulang mga ’flyers’ ang Sta. Magdalena na naglalaman ng wastong kaparaanan para sa pagpapatupad ng programang pangkalinisan kung saan layon nitong gawin ang Sta. Magdalena bilang isa sa mga pinakamalilinis na bayan sa bansa.
Idinagdag pa ng alkalde na kung talagang masusunod ang mga hakbang na nakasaad sa flyers ay hindi na nila kailangan pa ng common area o open dumpsite na pagtatapunan ng mga basura o sapagkat mismong sa kabahayanan pa lamang ay napamamahalaan na ng mga residente ng maayos ang kani-kanilang mga basura o yaong tinatawag na waste segregation at source.
Maaari na rin diumano nilang magamit sa naturang programa ang shredding machine na hindi ginamit ng nakaraang administrasyon kung saan ginigiling nito ang mga basura upang gawing natural na abono.
Sa pamamagitan nito ayon pa sa alkalde ay matutulungan pa ng mga residente na mapangalagaan ang kalikasan sa pamamagitan ng pagbawas sa epektong dulot ng global warming.
May mga tao na rin siya diumanong naglilibot sa mga bahay-bahay sa Poblacion upang magpaabot ng impormasyon hinggil sa waste segregation.
Umaasa si Gamos na muling susuportahan ng kanyang mga kababayan sa Sta. Magdalena ang higit na mahigpit na pagpapatupad ngayon ng kanilang zero waste management program.
sus, pano maiipatupad yan sa bayan nya, kung yang anak nyang si adrian eh hindi nya masuhito sa mga kalokohan. mauuwi na naman sa wala pangako nyan.
ReplyDeletekung ako sa inyo, ang pagtuunan mo muna ng pansin eh yang anak mo. bago pa mapahamak yan at tuluyang mawala dito sa mundo.