Tagalog News Release
SORSOGON PROVINCE (Oct. 28) – Bilang pakikiisa ng Provincial Small and Medium Enterprise Development Council (PSMEDC) sa pagdiriwang ng Kasanggayahan Festival ngayong taon, pinangunahan nito ang isang araw na investment and financing forum na kasalukuyang isinasagawa ngayon dito sa lungsod ng Sorsogon.
Ayon kay Marinela Hernandez, Business Development Division head ng Department of Trade and Industry Sorsogon inimbitahan nila ang mga MSMEs sa lalawigan upang makapulot ng mga kaalaman kung papaanong makahanap ng karagdagang puhunan at mapalago pa ang kanilang mga negosyo.
Sa forum ay ilalahad ni Rosita Imperial, regional program coordinator ng Department of Agriculture region V ang Pili Industry Situationer and prospects.
Sa hapon ay tatalakayin naman ang mga sumusunod: SB Corporation ”Financing Facilities”, Development Bank of the Philippines ”Retail Lending for Micro and Small Enterprises, ARDCI ”Micro Financing Facility” at ang Department of Labor and Employment ”Integrated Livelihood Program”.
Umaasa naman ang pamunuan ng PSMED Council na sa pamamagitan nito ay matutulungan ang lokal na MSMEs dito lalo pa’t marami ding mga Investment Priority Areas dito sa lalawigan ng Sorsogon ang sa ngayon ay tinukoy na at di maglalaon ay magbibigay sa kanila ng mga panibagong business opportunities.
Kabilang sa mga Investment Priority Areas na ito ay ang mga sumusunod: Development of Pinaculan Treasure Island Resort, Sorsogon Business and Leisure Park, Integrated Transport Terminal, Whaleshark Watching and Support Facility at Bulusan Lake Resort Development. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment