Thursday, November 18, 2010

HEALTHY LIFESTYLE ORIENTATION PROGRAM ISASAGAWA

Tagalog News

SORSOGON PROVINCE (Nov. 17)– Sinimulan kaninang pasado alas nueve dito sa lungsod ng Sorsogon ang dalawang araw na Healthy Lifestyle Orientation Program bilang tugon sa Presidential Proclamation No. 958 na nagdedeklara sa taong 2010 hanggang 2015 bilang Healthy Lifestyle Decade.

Kabilang sa mga aktibidad na gagawin ay ang Health Risk Assessment, Film Showing, Hataw exercise, pagpapaliwanag ukol sa Integrated Non-Communicable Disease and Prevention Program, Hypertension, Diet and Nutrition, Stres Management, Renal Disease Prevention and Control Program at mga updates ukol sa Diabetes.

Sa dalawang araw na aktibidad, inaasahang makabubuo din ng Coalition of Advocates and Knowledge Officers on Integrated Non-Communicable Disease Prevention and Control program – Healthy Lifestyle na siyang mangunguna sa pagsusulong at pagpapalaganap ng Healthy Lifestyle sa bansa.

Tutukuyin din ang mga papel na gagampanan ng bawat ahensya at organisasyong magiging opisyal at kasapi nito nang sa gayon ay magkaroon ng malinaw na direksyon sa pagpapatupad ng mga Healthy Lifestyle Programs. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)

No comments:

Post a Comment