Wednesday, December 8, 2010

KARAGDAGANG TULONG PARA SA DREDGING OPERATIONS SA BRGY. IROSIN, KAILANGAN


 Tagalog News

SORSOGON CITY – Karagdagang tulong ang hinaing ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Irosin upang matapos na ang kanilang dredging operations sa barangay Cogon upang hindi na magdulot ng malaking pinsala sakaling magkaroon ng malalakas na pag-uulan at umagos ang lahar sa dalawang ilog ng barangay Cogon.

Lahar flow in Brgy. Cogon, Irosin/BFP Irosin
Matatandaang ang nakadepositong lahar simula pa noong 2006 ang siyang inilluuwa ng Mt. Bulusan sa naging pag-aalburuto nito ngayon at ang barangay Cogon ang siyang pinakamalapit na lugar sa paanan ng nasabing bulkan.

Photo courtesy: PDRRMC
Sa pakikipagpulong ni Irosin Municipal Disasater Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) action officer Edelberto Elorza Jr. sa Provincial DRRM Office, napag-alaman ditong umaabot sa labinlimang libong piso ang ibinabayad bawat araw sa walong oras na operasyon ng backhoe machine na gamit nila sa dredging operations bukod pa sa pagkaing ibinibigay sa driver nito. Aniya, hindi sasapat ang pondo ng lokal na pamahalaan at nangangamba silang baka maubos na ang kanilang pondo.

Pinayuhan naman siya ng mga opisyal ng Sorsogon Provincial Disasater Risk Management Council na gumawa ng request upang maiindorso na agad  ng PDRRMC sa Office of the Civil Defense Bikol at OCD national office para sa kaukulan at agarang aksyon. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)





No comments:

Post a Comment