Tuesday, January 18, 2011

HEALTH PERSONNEL SA SORSOGON PROVINCIAL HOSPITAL MADARAGDAGAN


Tagalog News 

SORSOGON PROVINCE (January 18) - Upang mapalawak pa ang serbisyong ibinibigay ng ospital sa mga pasyente, kinumpirma ni Provincial Health Officer Dr. Edgar Garcia ang pagdadagdag ng mga empleyado sa Dr. Fernando Duran Memorial Hospital o mas kilala bilang Sorsogon Provincial Hospital ngayong taon.

Sinabi ni Garcia na naniniwala siyang sa pamamagitan nito ay matutugunan ang matagal nang suliranin ng ospital hinggil sa kakulangan ng mga doktor partikular ng mga anesthesiologists.


”Maliban sa karagdagang tauhan ay magkakaroon din ng mga bagong gusali sa lob ng hospital compound at iba pang mga kagamitang makatutulong upang maalalayan ang mga pasyente,” ayon pa sa kanya.

Samantala, may pagmamalaking ibinalita din ni Garcia ang pagkakapili ng Department of Health (DOH) sa Sorsogon Provincial Health Office bilang best implementer ng Nutrition Program sa buong rehiyon ng Bicol, habang nakapasa naman ang SPH bilang breastfeeding friendly hospital dahilan sa magandang implementasyon nito ng breastfeeding program sa buong rehiyon.

”Ang lahat ng ito ay utang namin sa mga lokal na pamahalaan at sa mga health workers dahilan sa dedikasyon ng mga ito upang epektibong maipatupad ang mga programa at adbokasiya sa nutrisyon,” ayon pa kay Garcia. (BARecebido, PIA Sorsogon)

2 comments:

  1. madaragdagan din po b ang mga nurses?gusto ko po sana mga aply,san po pdede mag apply?

    ReplyDelete
  2. madaragdagan din po b ang mga nurses?gusto ko po sana mga aply,san po pdede mag apply?

    ReplyDelete