Thursday, January 27, 2011

Tagalog News


Mahigit isangdaang mahihirap nakinabang sa medical mission
Bennie A. Recebido

Sorsogon City, January 27 – Umabot na sa isangdaan labinglimang mga mahihirap na pasyente ang nabiyayaan ng medical mission ng US-based D’ Bicolanos and Friends Foundation Incorporated dito sa Sorsogon.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Edgar Garcia, sa halos ay pitong araw na libreng operasyon ng mga pasyente, umabot na sa animnapu’t isang major operation at labingpitong minor operation ang naisagawa ng mga surgeons habang tatlumpu’t pitong pasyente ang naserbisyuhan pa, nito lamang Lunes at Martes.

Tatlong araw din diumano ang inilagi ng mga naoperahang pasyente sa ospital.

Kabilang sa mga naserbisyuhan ay ang mga pasyenteng may hernia, cyst, goiter, gall bladder stone, cleft palate, myoma at may mga gynecological problems.

Tiniyak din ni Garcia na sa kabila ng napuno ng mga pasyente ang Provincial Hospital dahilan sa nagaganap na medical mission, hindi naman napabayaan ang kanilang regular patients.

Full force din ang tauhan ng Provincial Hospital at lahat nakastand-by kung kaya’t hindi nagkulang ng mga tauhang sumusuporta sa gamutan lalo pa’t may dala ding support staff ang nasabing medical team. (PIA Sorsoogn)

No comments:

Post a Comment