Sorsogon City, Feb 15 (PIA) – Tatlumpu’t siyam na mga bagong housing units sa Brgy. Talisayan, Prieto Diaz, Sorsogon ang pormal nang ipinamahagi kahapon sa ilalim ng Core Shelter Program ng Department of Social Welfare and Development bilang bahagi ng Disaster Risk Reduction Management Program ng national government.
Ang tatlumpu’t siyam na mga benepisyaryo ay mula sa iba’t-ibang disaster prone areas ng Pto. Diaz na karamihan ay nakatira sa mga kostal na lugar.
Maliban sa mga bagong bahay ay nakatanggap din ang bawat pamilyang titira sa mga bagong bahay ng tsekeng nagkakahalaga ng tatlumpong libong pisong livelihood assistance mula naman sa provincial government bilang counterpart nito.
Mismong si Sorsogon Governor Raul Lee ang nanguna sa pamamahagi ng mga bagong bahay at tseke sa mga mapapalad na benepisyaryo. Naroroon din sa inauguration at formal turn-over ang mga opisyal ng iba’t-ibang mga barangay ng pto. Diaz upang saksihan ang nasabing aktibidad.
Matatandaang ang Core Shelter Program na ito ay unang ipinakilala sa lalawigan ni dating Gobernador Sally A. Lee kung saan ilang mga bayan at maging ang lungsod ng Sorsogon ay nanginabang na rin. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment