Wednesday, February 2, 2011

Sorsogon, naka-alerto kaugnay ng “Terror Alert” ng PNP


Sorsogon City, February 1 – Nasa kamay na ng pamunuan ng munisipyo ng Bulan, Matnog at Pilar ang responsibilidad sa pagsasagawa ng mga check-points sa kani-kanilang mga munisipalidad na siyang entry at exit points dito sa lalawigan ng Sorsogon.

Ito ang naging pahayag ni Provincial PNP Director Heriberto Obias Olitoquit kaugnay ng pagpapatupad ng “terror alert” ng PNP na una nang iniutos ni PNP Chief Director General Raul Bacalzo sa buong bansa, partikular sa mga urban centers kasunod ng nangyaring pag­pa­pasabog sa isang pampasaherong bus sa EDSA, Makati City nitong nakaraang Enero 25.

Nagbigay na rin ngayon ng direktiba si Sorsogon PNP Director Olitoquit sa mga kapulisan dito ukol sa pagpapaigting ng seguridad sa lalawigan, lalo na sa Matnog Ferry terminal, Bulan at Pilar Sea Ports. 

Aniya, kasalukuyan nang naka-deploy ang mga K-9 dog sa bayan ng Matnog na siyang katulong ng mga otoridad upang malaman ang mgakahina-hinalang bagahe ng mga pasahero.

Patuloy ding tinututukan ngayon ng PNP ang mga government installations, commercial centers, economic key points, train at bus terminals, mga paliparan at daungan. Dagdag pa rito ang pagpapalakas ng police visibility, mobile patrol lalo na sa mga lugar na posibleng target ng mga terorista. (Von Labalan, PIO Provincial Government)

No comments:

Post a Comment