Tuesday, February 15, 2011

Tagalog News Release


Pre-Valentine’s Gift ipinamahagi ng pamahalaang panlalawigan ng Sorsogon
By: Jun Tumalad

Sorsogon City, Feb. 14 – Napuno ng kasiyahan ang puso ng mga operator ng Botika sa Barangay dito sa lalawigan ng Sorsogon matapos na mamahagi ng tigsa-sampung kilo ng bigas ang pamahalaang lokal ng lalawigan ng Sorsogon, umaga noong Sabado, Pebrero a-dose sa pangunguna ni Sorsogon Governor Raul R. Lee.

Pawang mga operator lamang ng Botika sa Barangay sa buong lalawigan ang naging benepisyaryo ng naturang free 10-kilo rice.

Ayon kay Gov. Lee, nararapat lamang din na bigyang kasiyahan ang mga operator ng Botika sa Barangay dahilan sa malaking naiaambag nito upang matulungan ang lalawigan sa pagsusulong ng programang pangkalusugan sa mga Sorsoganon.

Ayon naman kay Mrs. Espano, residente ng Barcelona Sorsogon at operator ng Botika sa Barangay, ipinatawag sila ni Governor Lee upang diumano’y kunin ang pre-valentine’s gift para sa kanila na kaloob ng kapitolyo.

Ito sana ay pamasko noong nakaraang Disyembre subalit minabuti ni Lee na itinaon na lamang ang pamamahagi ng regalo ngayong Pebrero bilang bahagi ng pagdiriwang ng araw ng mga puso ngayong taon. (PIA Sorsogon)




No comments:

Post a Comment