Sorsogon City may tatlong potential sites para sa hydro power plant development
By: Bennie A. Recebido
Sorsogon City, (PIA) – Tatlong potensyal na mga lugar dito sa lungsod ng Sorsogon ang iminumungkahi ng Provincial Planning and Development Office na linangin upang pagtayuan ng hydro power plant.
Ito ay ang Osiao Hydroelectric Power Plant sa Bgy. Osiao; Sibulan Hydroelectric Power Plant sa Bgy. Tiris; at Rangas Hydroelectric Power Plant sa Bgy. Maricrum na lahat matatagpuan sa Bacon District, Sorsogon Cit.y
Ayon kay Oscar PPDO department head Oscar Firmanes, kung maisasakatuparan ito, nasa 3.45 megawatts ang total combined generating capacity ng tatlong mga potential hydro-power plants na ito.
Aniya ang Osiao Hydroelectric Power Plant ay maaaring makapagbigay ng 2,100kw, 600 kw naman sa Sibulan Hydroelectric Power Plant habang 750kw naman sa Rangas Hydroelectric Power Plant.
Sa project profile na ipinalabas ng PPDO kung saan project proponent ang provincial government, P530-M ang tinatayang magagastos sa gagawing paglilinang ng mga potential mini-hydro power plants na ito kung saan P247-M dito ay gagastusin sa Osiao Hydroelectric Power Plant development, P123-M sa Sibulan Hydroelectric Power Plant at P160-M naman sa Rangas Hydroelectric Power Plant development.
Ayon pa kay Firmanes, ang iminumungkahing paglilinang ng potential hydroelectric power plants na ito ay makadadagdag sa pangangailangan ng elektrisidad hindi lamang ng lungsod kundi maging ng buong lalawigan ng Sorsogon. Kung maisasakatuparan ito, makatitiyak ng patuloy at mapagkakatiwalaang suplay ng elektrisidad na ipamamahagi ang dalawang electric cooperatives dito, ang SORECO I & II. (PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment