Ni: Bennie A. Recebido
Sorsogon City, March 28 (PIA) – Sa nalalapit na pagdating ng summer, isang aktbidad ang inihanda ng Philippine Red Cross na tiyak na magugustuhan lalo na ng mga may hilig sa paglangoy.
Ayon kay PRC Sorsogon Chapter Administrator Salvacion Abotanatin, nakatakdang buksan nila sa publiko ang 2011 Beginners Swimming Course Safety Services mula May 2 hanggang May 14, 2011. Ang aktibidad ay dinisenyo para sa mga non-swimmers at novice swimmers.
Sa paliwanang ni Abotanatin, sinabi niyang dalawang araw lamang ang itinakda nila sa bawat grupo kung saan nakaiskedyul ang tatlong serye sa darating na May 2-3, May 4-5 at May 6-7 para sa mga edad pito hanggang labinglimang taong gulang. Habang nakatakda naman sa darating na May 9-10, May 11-12 at May 13-14 ang tatlong serye para sa may edad labinglima pataas.
Ayon kay Abotanatin, isa sa mga service arm ng PRC ang safety services. Kabilang din sa mga aktibidad da ilalim ng programang ito ay ang Basic Life Support-Cardiopulmonary Resuscitation, water safety (kasama na ang swimming at water survival) at accident prevention.
Ilan sa mga pamamaraang gagawin ay sa pamamagitan ng lecture-demonstration, return demonstration at group work.
Nakatakdang gawin ang Beginners Swimming Course Safety Services sa Alburo Spring resort sa Palhi, Capuy, Sorsogon City.
Ang mga intersado ay maaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng Philippine Red Cross Sorsogon Chapter o tumawag sa 211-1300 o di kaya’y magtext sa 09086915337. (PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment