Wednesday, April 13, 2011

Eco-tourism sa Juban isinusulong sa kabila ng mga naging epekto ng kalamidad


Ni: Bennie A. Recebido

Sorsogon City, April 12 (PIA) – Positibo si Juban Mayor Jimmy Fragata na isulong ang eco-tourism sa Juban matapos ang mga nagdaang kalamidad na nagdulot ng malaking epekto sa kanilang bayan.

Ayon kay Mayor Fragata, nais niyang makilala ang bayan ng Juban sa magagandang mga katangian, historical features at ecological tourism destinations nito kaysa sa maging pamoso bilang disaster-stricken municipality.

Maliban sa mga historical relics tulad ng Bicol translation ng “Mi Ultimo Adios” o Huring Paaram ni Gov. Jose Figueroa at Gorospe, Guarin, Olondriz, Alindogan at Lasala Heritage Homes o mas kilala sa Bahay Bato old houses, ipinagmamalaki din ni Mayor Fragata ang tahimik na isla ng Sablayan sa Brgy. Sablayan, Juban, dalawampung minutong sakay sa bangka mula sa Brgy. Tinago, Juban.

Makikita sa isla ng Sablayan ang iba’t-ibang mga uri ng lamang-dagat at magandang lugar din para sa mga bakasyunistang makakalikasan at naghahanap ng tahimik na lugar.

Sinabi pa ni Mayor Fragata na nais niyang maalala ng publiko ang kanilang bayan bilang isa sa mga magagandang eco-tourist destinations sa bansa. (PIA Sorsogon)





No comments:

Post a Comment