Monday, April 4, 2011

“Iligtas sa Tigdas ang Pinas” campaign opisyal nang sinimulan


Ni: Bennie A. Recebido

Sorsogon City, April 4 (PIA) – Opisyal nang binuksan kaninang umaga ang kampanya ngayong taon ng Department of Health na tinaguriang “Iligtas sa Tigdas ang Pinas” campaign.

Alas-otso ng umaga ginanap ang isang misa sa Capitol Park lungsod ng Sorsogon upang hingin ang gabay ng Panginoon sa sa paglalayon hindi lamang ng lalawigan ng Sorsogon kundi ng bansang Pilipinas na tuluyan nang mawala ang sakit na tigdas sa pagdating ng taong 2012.

Matapos ito ay sinundan na ng opisyal na paglulunsad ng kampanya laban sa tigdas sa pamamagitan ng isang maikling programa na kinapalooban ng invocation, national anthem, opening remarks ni Provincial Health Officer Dr. Edgar Garcia, Jr at welcome message ni Sangguniang Panlalawigan board member at committee chair on Health Hon. Francisco Frivaldo.

Nagbigay mensahe naman sina Sorsogon Governor Raul Lee, Center for Health Officer for Bicol Dr. Myrna Listanco at Provincial Health Team Leader ng CHD Bicol si Dr. Napoleon Arevalo kung saan sa kani-kanilang mga mensahe ay maigting ang kanilang panawagan sa mga magulang na makiisa sa kampanya na ito ng DOH upang tuluyan nang mailigtas sa nakamamatay na tigdas ang Pilipinas.

Nagbigay din ng overview ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Antigen si Provincial Health Office chief of technical Services Dr. Ma. Priscilla Fajardo.

Matapos ito ay agad nang isinunod ang Ceremonial Vaccination ng Measles Rubella Antigen sa mga batang mula siyam hanggang siyamnapu’t limang buwang mga bata.

Bawat mga munisipalidad dito sa Sorsogon ay nagsagawa din ng kani-kanilang ceremonial launching ngayong araw bago tuluyang nang isagawa ang kanilang massive Door-to-Door Measles Rubella Campaign

Ang aktibidad na nagsimula ngayong araw ay matatapos hanggang sa May 4, 2011. (PIA Sorsogon)



No comments:

Post a Comment