Ni: Bennie A. Recebido
Sorsogon City, April 5 (PIA) – Mas hihigpitan ngayon ng Sorsogon City permit and Licensing Office ang mga negosyanteng hindi sumusunod sa ipinatutupad na Tax Ordinance ng lungsod ng Sorsogon.
Sa naging pahayag ni City Permit and Lincensing Office Chief Jose Pura, ipinaliwanag nito sa publiko lalo na sa mga nagnanais na magtayo ng mga negosyo, maliit man o malaki, na gawing legal ang kanilang operasyon sa pamamagitan ng pagkuha ng kaukulang permit at pagbayad ng tamang buwis.
Aniya, kailangang kumuha ng mga sumusunod na dokumento ang nais magtayo ng maliliit na negosyo: sedula ng may-ari at tauhan nito, brgy clearance mula sa barangay kung saan itatayo ang negosyo, Department of Trade and Industry (DTI) permit, sanitary permit mula sa Rural Health Unit (RHU), Community Environment and Natural Resources (CENRO) certificate, engineering permit at clearance mula sa Bureau of Fire (BFP).
Nilinaw din niyang barangay permit lamang ang kukunin ng mga negosyantreng may daily gross sales na P137 pababa, habang city permit naman para sa may mga daily gross sales na P138 pataas. (PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment