Ni: Bennie A. Recebido
Sorsogon City, April 19 (PIA) – Dalawang trak at isang ambulansya ang ilalagay ng Bureau of Fire Protection Sorsogon City sa pamumuno ni City Fire Marshal Chief Inspector Renato Marcial sa Bacon Beach ngayong darating na Black Saturday, April 18, 2011, upang matiyak na agarang marerespondehan ang mga ekskursyunistang mangangailangan ng tulong o di kaya’y sa panahong may emerhensya.
Ang nasabing “Oplan Ligtas Dagat” ay isang joint project ng BFP, Philippine National Police (PNP) at Phiippine Coast Guard (PCG) kung saan taunan na nilang ginagawa ito.
Sinabi ni Marcial na ipapadala niya ang kanyang mga skilled personnel upang makapagbigay ng tulong sa mga beach goers at matiyak ang kaligtasan ng mga ito.
Ayon kay Marcial sa mga panahong ganito ay nakahanda ang kanilang team upang magbigay ng medical at rescue services sakaling may mangailangan.
Ginagawa nila umano ito bilang bilang bahagi ng pinalawak na mandato ng kanilang tanggapan sa pagbibigay serbisyo publiko upang matiyak ang kaligtasan ng mga komunidad.
Sinabi ni Marcial na maliban sa madalas nilang paalala sa publiko na maging alerto at safety conscious sa tuwing pupunta sa mga beach, pinaalalahanan din niya ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak lalo na’t kadalasang kapabayaan ang nagiging ugat ng mga aksidente.
Maliban dito ay inihayag din ng opisyal na iallagay nila ang kanilang Sub-station I sa Bacon Church upang magbigay ng medical assistance sa mga taong sasabay sa prusisyon sa darating na Biyernes Santo. (BFP/PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment