Friday, July 8, 2011

Sinirang imprastruktura ng bagyong ‘Bebeng’ prayoridad ng DPWH-S2DEO


Ni: Bennie A. Recebido

Sorsogon City, July 8 (PIA) – Inilagay sa 1st at 2nd priority ng Department of Public Works and Highways Sorsogon 2 District Engineering Office (DPWH-S2DEO) ang mga impratrukturang sinira ng nagdaang bagyong Bebeng noong ika-pito at walo ng Mayo ngayong taon.

Kabilang sa mga 1st priority infrastructure projects na ito ang mga sumusunod:
·         Ang limang metrong kahabaan ng Daan Maharlika sa Brgy. Casini, Irosin
·         Binanuahan River Control na ay habang sampung metro sa Brgy. Binanuahan, Juban
·         Gate-Bulan Airport Road na may habang 37 metro sa Brgy. San isidro, Bulan; gate-Bulan Airport Road sa Brgy. Fabrica, Bulan na may haba ring 37 metro at ang Gate-Bulan Airport Road sa Brgy. Pawa, Bulan na may habang 35 metro.

Habang inilagay naman sa 2nd priority ang Juban-Magallanes Road sa Brgy. Binanuahan na may habang 86 metro; Juban-Magallanes Road sa Brgy. Lajong, Juban na may sirang haba na pitong metro at Juban-Magallanes Road sa Brgy. Jagusara, Juban na may labingdalawang metrong nasirang road shoulder.

Ayon kay DPWH 2nd District Engineer Juanito R. Alamar ang paglalagay sa mga nasirang infra-projects bilang 1st at 2nd priority ay nangangahulugang sa oras na makakuha na ng pondo ang kanilang tanggapan ay agaran na nilang ipapatupad ang pagsasaayos ng nasabing mga nasirang proyekto. (HDeri/PIA Sorsogon)


No comments:

Post a Comment