Thursday, August 25, 2011

Bayanihan Eco-Park balak itayo sa Brgy. Sibago, Donsol


Ni: Bennie A. Recebido

Blessing of propagules. (photo: Glena Lopez)
Sorsogon City, August 25 (PIA) – Sa kabila ng pag-uulan ng malakas noong Martes, naging masaya at matagumpay pa rin ang ginawang mangrove planting activity na pinangunahan ng 3rd Special Forces Company ng 903rd Infantry Brigade, 9th Infantry Division ng Philippine Army, Parasirang Donsolanon Abante Biryong Aagapay sa Kauswagan (PADABAKA) at World Wildlife Fund (WWF).

Photo by: Glena Lopez
Magbibigay-daan ang ginawang pagtatanim ng mahigit isangdaang mga volunteers mula sa labintatlong mga ahensya at organisasyon sa Sorsogon ng isanglibo’t walong-daang bakawan para sa pagtatayo ng isang Bayanihan Eco-Park sa Sitio Magaragad, Brgy. Sibago, Donsol, Sorsogon.

Sa maikling programang isinagawa, determinadong inihayag ni 903rd Brigade Commanding Officer Col. Felix J. Castro, Jr. ang kanilang mithiing makapagtayo ng Bayanihan Eco-Park sa nasabing lugar lalo pa’t nakikita nila ang malaking potensyal panturismo ng barangay.

Photo by: Glena Lopez
 Sinabi pa ng opisyal na bahagi din ang pagtatanim ng mga kabakawanan sa pagpapatupad ng National Greening Program ng pamahalaang nasyunal sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.

Nagkakaisa ding sinabi ng mga pinuno ng ahensya at organisasyong nakilahok na malaking hakbang din ito sa pagmamantini ng coastal resource management ng lugar upang maiwasan ang mga negatibong epektong maaaring dalhin ng mga pagbabago ng panahon.

Signature of Support and Commitment.
Nagbigay din ng kani-kanilang suporta ang mga ahensya ng pamahalaan at non-government organization ayon sa kanilang mandato tulad ng tulong pinansyal at teknikal sa pagsusulong ng nasabing Eco-Park.

 
Samantala, umapela naman ng tulong si Sibago Brgy. Chairman Noel G. Castro sa mga kinauukulan partikular sa mga pangkalikasan, pang-imprastruktura at panturismong ahensya ng pamahalaan na matulungan sila sa eco-tourism development upang tuluyan nang maisakatuparan ang pagtatayo ng Bayanihan Eco-Park sa kanilang lugar. (PIA Sorsogon)

-------GOVERNMENT AGENCIES/NON-GOVERNMENT ORGANIZATIONS' HEAD VOWS SUPPORT THROUGH THEIR SIGNATURES (Photos by: Glena Lopez of  Provincial Government of Sorsogon)--------
903rd IB 9th ID Commanding Officer Col. Felix J. Castro
                                                                        
PADABAKA Chair Bro. Florencio B. Gorordo



BFAR Provincial Head Gil Ramos
Sibago Brgy. Chairman Noel G. Castro
PENRO-LGU Head Engr. Maribeth L. Fruto
PIA ICM Irma A. Guhit
Provincial Tourism Office Head Cris Racelis
                         

Boodle Fight



 ------ ADD-ON PHOTOS-------
Emcees Lt. Col Lenart R. Lenita of PA and Bennie Recebido of PIA


           


No comments:

Post a Comment