Tuesday, December 6, 2011

Proteksyon sa stranded mammal tampok sa technical conference ng BFAR


Ni: Bennie A. Recebido

Lungsod ng Sorsogon, Disyembre 6 (PIA) – Sisimulan ngayon ang tatlong araw na Technical Conference on the Protection of Whale Sharks in the Philippines na gagawin dito sa lungsod ng Sorsogon sa pangunguna ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sa impormasyong ipinaabot ni BFAR Bicol Regional Director Dennis V. Del Socorro, layunin ng aktibidad na pulungin ang mga National Government Agencies (NGAs), mga katuwang na organisasyon at iba pang grupo na makabuo ng Action Plan para sa proteksyon at pangangalaga ng mga mammal species tulad ng pating na kabilang sa listahan ng International Union for Conservation of Nature bilang “vulnerable to extinction” o malapit nang maubos.

Dagdag pa ni Del Socorro na layon din ng aktibidad na makabuo ang mga kalahok ng Standard Operating Protocol sa pagtugon sa mga nagkakaproblemang pating o yaong mga stranded o breached whale sharks.

Ipapakita naman ngayong araw ang pinakahuling resulta ng mga pagsasaliksik na isinagawa ng iba’t-ibang mga non-governmental organizations ukol sa kasalukuyang kalagayan ng mga pating sa bansa.

Sa conference proper, ibibigay ni Raul Burce ng World Wildlife Fund (WWF)-Philippines na nakabase sa Donsol, Sorsogon ang paksang “Introduction to Whale Sharks in the Philippines” habang ang presenter namang si David N. David ang naatasan sa Photo-Identification of Whale Sharks in the Philippines, Reconnaissance of Physico-Chemical Characteristics ng katubigan ng Donsol, Sorsogon at ang paglalahad ng Whaleshark Satellite Tagging na halaw sa Joint Technical Report ng Hubbs-Sea World Research Institute at ng WWF for Nature, Inc.

Ilalahad naman sa pamamagitan ni Elson Q. Aca ng Duke University ang Information Education Campaign (IEC) on Whale Shark: Bantay Butanding.

Bago matapos ang araw ay ililibot ang mga kalahok sa Sorsogon Provincial Museum and Heritage Center, Inc. kung saan nakadisplay ang Butanding replica at kalansay ng pating o Whale Shark vertebrae. (PIA Sorsogon)

No comments:

Post a Comment