Friday, January 7, 2011

GINARARA BRIDGE SA BULAN, SORSOGON UNPASSABLE SA MALALAKING BEHIKULO

News Update:

SORSOGON PROVINCE (January 7) - Sa halos ay dalawang linggong pag-uulan na dito sa lalawigan ng Sorsogon, tuluyan nang  nag-cave in ang isang bahagi ng Ginarara Bridge sa Bulan Sorsogon dahilan upang  kailangang na munang magdetour ang malalaking mga behikulong dumadaan dito patutungong Poblacion, Bulan, Sorsogon.

Ayon kay Bulan Administrator Luis De Castro, passable na lamang  ang tulay sa mga tricycle at motorsiklo. 

Tatlong mga barangay naman ang apektado ang transportasyon na kinabibilangan ng Ginararan, Nasuje at Namo na may halos limang libong mga residenteng nakatira.

Dagdag pa ni De castro na ang mga 4-wheeler vehicles pataas ay kinakailangang dumaan sa Brgy. Calomagon na tatlong kilometrong lalakbayin bago makarating ng Poblacion.

Sa panayam naman kay  Antonio Gilana, Media relation officer ng bayan ng Bulan, sinabi nitong prayoridad ngayon ni Bulan Mayor Helen De Castro ang pangyayaring ito bilang urgent Disaster Risk Peduction Program ngayong January 2011. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)

SORSOGON RECORDS 19 FIRE INCIDENTS IN 2010

NEWS RELEASE

SORSOGON CITY (January 7) – Nineteen index fire incidences were left to the records of the Bureau of Fire Protection (BFP) Sorsogon Provincial Office as the year 2010 bode goodbye.

Senior Fire Officer III Jose Ebdani said that in the past year, the province of Sorsogon’s index fire incidences recorded damages amounting to P6.9 million.

“Of the 19 fire incidents, Sorsogon City recorded 11 incidences, 4 in Bulan, 3 in Pilar and one in Donsol town. All of which were immediately responded to by firefighters particularly that said areas have also their respective fire stations,” said Ebdani.

Index fire incident refers to those with damages ranging from P10,000 and  above while non-index fire incident refers to those with damages below P10,000.

“Only index fire incidents are forwarded to the Provincial BFP by the city and municipalities,” Ebdani said.

Meanwhile, Sorsogon City BFP Fire Marshall Chief Inspector Renato B. Marcial said that if both index and non-index fires are to be considered, Sorsogon City has recorded a total of 38 fire incidents for the year 2010 which damages amounted to P2.5M.

“Though the fire incident was marked higher than 2009 which has a total of 13 fire incidents, nevertheless, the damage was bigger as it has recorded a total amount of P4.8M,” Marcial said.

With the foregoing reports, Marcial appealed anew to the public not to be complacent when it comes to fire safety and urged everyone to help support the BFP’s advocacy on fire safety. And in case of fire, they can be reached at hotline 160. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)

Thursday, January 6, 2011

SORSOGON PATULOY NA NAKARARANAS NG PAG-UULAN


SORSOGON PROVINCE (Jan. 6) – Sa kabila ng mga naging pag-uulan dito simula nang pumasok ang bagong taon, nagpapasalamat pa rin ang mga residente at maging ang mga awtoridad dito na walang naitatalang untoward incidences kaugnay ng mga pag-uulang ito.

Sa monitoring ng PIA, tatlong barangay sa distrito ng Bacon, lungsod ng Sorsogon ang nakaranas ng pagtaas ng tubig sa mga kalsadang malapit sa Rangas River, subalit wala namang residenteng direktang naapektuhan nito. Wala ding mga evacuees sa mga evacuation sites na naitala dito.

Ayon sa ilang action officers ng mga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Councils dito, ang mga flood-prone barangays sa kani-kanilang mga lugar hanggang sa mga oras na ito ay nananatiling ligtas at manageable pa rin.

Kanina ay nagsagawa naman ng pagpupulong ang MDRRC ng Irosin at ayon kay Ghie Martinez ang Municipal Social Welfare and Development Officer doon, walang naitatalang apektadong kabuhayan

Ayon naman sa ilang mga magsasaka, bagama’t nalulungkot sila sa pagkakababad sa tubig ng kanilang mga pananim at posibilidad ng pagkalugi sa darating na anihan, naihanda na rin nila ang kanilang mga sarili sa ganitong pangyayari.

Samantala, kahit pa tiniyak na ng mga kinauukulan dito na nabigyan na nila ng kaukulang edukasyon ang mga opisyal ng barangay at mga residente ditto, patuloy pa rin ang kanilang paalala at koordinasyon sa mga barangay DRRMC ukol sa tamang paghahanda sa mga panahong tulad nito.

Nagbigay din si PIA Sorsogon Information Center Manager Irma Guhit sa publiko sa pamamagitan ng radyo ng mga kaukulang impormasyon ukol sa La NiƱa, mudflows, landslide at mga pagbaha maging ang tamang paghahanda at evacuation procedures upang maiwasan ang pagkasira ng buhay at ari-arian sa panahong nagkakaroon ng patuloy na mga pag-uulan lalo pa’t ayon sa PAGASA ay magtatagal pa ang ganitong uri ng panahon hanggang sa Mayo ngayong taon. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)



PAGPASLANG SA BISE ALKALDE NG AROROY KINONDENA NG VICE MAYOR’S LEAGUE BICOL


Tagalog News

SORSOGON PROVINCE (Jan 6) – Mariing kinondena ni Bicol Regional Vice-Mayor’s League President Robert Lee Rodrigueza ang pagpaslang kay Aroroy, Masbate Vice Mayor Arturo Vicente Maristela.

Sa ipinaabot na mensahe sa PIA ni Mandy Lucila, Chief of Staff ni Rodrigueza, sinabi nitong hindi makatarungan ang ginawang pagkitil ng buhay ni Maristela.

Aniya, ano pa man ang nagawa ng bise alkalde, hindi pa rin nararapat na hatulan ito sa malagim na paraang tulad nito.

Umapela din aniya si Rodrigueza sa mga awtoridad na humahawak sa kaso na imbestigahan ito ng mabuti at gawin ang lahat upang mapanagot ang mga salarin.

Matatandaang si Maristela ay pinaslang sa pamamagitan ng ambush ng dalawang hindi nakilalang salarin sa West Fairview, Quezon City noong nakaraang araw.

Ang pagpaslang sa bise alkalde ng Aroroy, Masbate ang kauna-unahang political-related incident na naitala ngayong taon.

Nanawagan din si Rodrigueza sa mga pulitiko at maging sa mga nasa likod ng mga krimeng tulad nito na tuldukan na ang mga karahasan na kadalasan ay nauuwi sa pagbubuwis ng buhay.

Umaasa din siya na hindi na masusundan ang malagim na sinapit ni Maristela. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)



SORSOGON CITY MAYOR UMAPELA SA MGA PAARALAN NA ISABAY ANG ISYU NG CLIMATE CHANGE SA KANILANG AKTIBIDAD

Tagalog News

SORSOGON PROVINCE (Jan 5) – Sa pamamagitan ng nilagdaang Executive Order No.6 ni Sorsogon City Mayor Leovic Dioneda, umapela siya sa mga paaralan dito sa lungsod ng Sorsogon na isabay sa kanilang curricular at non-curricular activities ang isyu ng climate change.

Nakasaad sa Executive Order na may titulong ”An order Enjoining All Tertiary Levels in the City  to Integrate Basic Concepts and Principles of Climate Change on their Curricular and Non-curricular Activities” na mahalagang malaman ng mga estudyante ang kahulugan ng climate change, greenhouse gases at kung paano nangyayari ang global warming.

Mariin ding sinabi ni Dioneda na dapat na maunawaan ng mga mag-aaral ang epekto sa mamamayan, kapaligiran at kabuhayan ng pagbabago ng klima gayundin ang uri ng adaptation at mitigation measures na dapat gawin ng bawat pamilya, eskwelahan, tanggapan at komunidad.

Ayon pa kay Dioneda, ang isyu sa Climate Change ay maaari ding isabay sa iba’t-ibang mga asignatura tulad ng NSTP o ROTC, civil welfare training service, social sciences at maging sa halos lahat ng subjects sa elementary, high school at maging sa mga kolehiyo.  (report from SorGuardian)