Tuesday, July 31, 2012

DENR reiterates One Strike policy on illegal logging


LEGAZPI CITY – In order that forest protection and conservation efforts be sustained, the Department of Environment and Natural Resources (DENR) has reiterated to all its officials the “One Strike” policy on illegal logging.
           
DENR Regional Executive Director Gilbert C. Gonzales said that this policy will be strictly abided by all top and subordinate officials of the agency in the region.

“The policy covers any illegal cutting or harvesting of forest products in our areas of responsibility, likewise it comprises failure to detect, report or apprehend the transport of illegally harvested forest products – whether sourced from our area or another area, and the apprehension of illegally cut or gathered products made by other law enforcement agency or local government unit (LGU) without our knowledge,” Gonzales revealed.

He issued a stern warning that all officials who have found to be violating the “One Strike” policy shall be immediately relieved and corresponding charges filed, as soon as the violation has been verified and confirmed. Director Gonzales emphasized the assumption of “Command Responsibility” by the officials over the actions of their subordinates.

Meanwhile, the DENR Bicol is in the process of formulating interregional strategies and undertake close coordination to curb the transport of illegally-harvested forest products. (Lemuel Soriano, DENR-RPAO/PIA Sorsogon)

---------------------------------------

Tagalog News

 
DENR muling nagpaalala ukol sa kanilang ‘One-Strike Policy’ ukol sa ilegal na pagpuputol ng kahoy

LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 31 (PIA) – Muling pinaalalahanan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol ang mga opisyal nito ukol sa pagpapatupad ng “One Strike Policy” kaugnay ng ilegal pagpuputol ng kahoy.

Ayon kay DENR Regional Executive Director Gilbert C. Gonzales, ginawa ang muling pagpapaalala sa lahat ng kanilang mga opisyal at kawani sa buong rehiyon nang sa gayon ay masustinihan ang lahat ng mga hakbang na ginagawa ng DENR kaugnay ng pagbibigay proteksyon at pangangalaga ng mga kakahuyan at kagubatan.

Aniya, saklaw ng patakaran ang alinmang uri ng illegal na pagpuputol at pagkuha ng mga produktong pangkagubatan kabilang na ang hindi pagtukoy, pagrereport o paghuli ng illegal na pagbibyahe ng mga kahoy na nakuha sa illegal na pamamaraan, maging ito man ay nakuha loob o labas ng rehiyon ng Bicol pati na rin yaong mga nahuling illegal na pinutol o kinuhang kahoy ng ibang mga ahensya nang hindi nila nalalaman.

Nagpalabas din ng mahigpit na babala si Gonzales sa mga mahuhuling opisyal na lalabag sa “One Strike” policy na agad itong sususpindihin o kakasuhan sakaling mapatunayang nagkaroon nga ng paglabag.

Binigyang diin din ni Gonzales na “Command Responsibility” ng mga opisyal sa mga aksyong ginagawa o gagawin ng kani-kanilang mga sakop na empleyado.

Dagdag din ni Gonzales na nasa proseso na rin ang DENR Bicol sa pagbuo ng interregional strategies at pagsasagawa ng mahigpit na koordinasyon sa mga kinauukulan upang tuluyan nang matuldukan ang pagbibyahe ng mga ilegal na nakukuhang mga produkto mula sa kagubatan ng rehiyon ng Bicol. (BARecebido, PIA Sorsogon/DENR)

No comments:

Post a Comment