Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 31 (PIA) – Upang
mapaganda pang serbisyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)
para sa kanilang mga empleyado, inaprubahan ng pamunuan nito kamakailan ang
pagbubuo ng NGCP Employees’ Multi-Purpose Cooperative (NEMCO).
Ayon kay Atty.
Cynthia P. Alabanza, NGCP Spokesperson/Adviser
for External Affairs, dinisenyo
ang NEMCO upang makatulong sa mga empleyado nito sa pamamagitan ng pagbubukas
ng serbisyo sa pagapautang tulad ng pagbibigay ng Education, Emergency at Short-Term Loans sa mga member-employees nito.
Maglalagay din sila umano ng additional loan windows at consumer
services at maging ang pag-isyu ng gift check ay isasabay din hanggang sa
tuluyan nang maging maayos ang operasyon ng nasabing kooperatiba.
Sinabi pa ni Alabanza na pamumunuan ang NEMCO ng mga ihahalal na
Board of Directors ng mga kasaping-manggagawa nito, Regular Member at Associate
Member ang dalawang kategorya ng mga kasapi nito.
Ang regular member ay yaong mga opisyal ng NGCP, executive at
regular employees habang ang associate member naman ay kabibilangan ng mga NGCP
consultant at dating mga regular member na nagsipagretiro na subalit nais pang
ipagpatuloy ang kanilang membership.
Sa ngayon aniya ay bukas parin ang NEMCO sa pagtanggap ng mga nais
maging kasapi at naghahanda na rin para sa pagpaparehistro nito sa Securities
and Exchange Commission (SEC).
Target ng NGCP ngayong Agosto na gawing full operational ang
NEMCO. Naniniwala silang sa pamamagitan nito ay higit pang mabibiyayaan ang mga
manggagawa ng NGCP maliban pa sa magiging empowered, highly motivated, at
self-reliant ang mga ito. (BARecebido, PIA Sorsogon/NGCP)
No comments:
Post a Comment