Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Agosto 7 (PIA) – Malaking
tulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ang pinaigting pang Police
Integrated Patrol System (PIPS) police visibility patrol at security operation ng
Sorsogon Police Provincial Office sa pamumuno ni PSSupt John CA Jambora.
Ayon kay Provincial Director Jambora
pinalawak pa nila ang sistema ng kanilang foot at mobile patrol, checkpoint
operation, saturation drive, OPLAN Bakal at ang kanilang mabuting relasyon sa
komunidad.
Aniya, upang mapalakas pa ang kanilang
pwersa, itinalaga din nila ang mga kapulisang may administratibong katungkulan
na magsagawa ng mga beat patrol duty sa iba’t-ibang mga yunit at istasyon ng
pulisya sa lalawigan.
Matatandaang bumaba ang bilang ng mga
insidente ng krimen sa Sorsogon sa loob ng unang anim na buwan ngayong taon
kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sa istatistika ng PNP Sorsogon, mas mababa
ng 91 kaso ng krimen ang naitala ngayon sa bilang na 436 kumpara sa 527 na kaso
noong 2011.
Physical injury ang nangunguna sa listahan
ng may mataas na bilang ng kaso ng krimen na ayon sa PNP ay kadalasang sanhi ng
pag-inom ng alak at personal na alitan alinsunod na rin sa mga naitalang
blotter. Habang pumapangalawa naman ang kasong pagpatay na kadalasang gamit ang
mga hindi lisensyadong baril.
Ayon pa sa istatistika ng Sorsogon PNP, ang
Sorsogon City ay may 93 kaso ng krimen na naitala, sunod ang bayan ng Irosin na
may 62 kaso, Pilar - 37, Bulan - 32, Gubat - 29, Juban – 28, Barcelona, walo
habang tatlong kaso naman ng krimen ang naitala sa bayan ng Sta.
Magdalena.
Sa bahagi ng crime efficiency rating ng PNP
Sorsogon, 53 porsyento ang naitalang marka ng SPPO,mas mataas ito ng 15
porsyento kumpara sa 38 porsyentong marka na nakuha nila noong 2011.
Ang magandang rekord na ito umano ay utang
din sa buong suportang ibinibigay ng pamahalaang probinsyal ng Sorsogon sa
pamumuno ni Gov. Raul R. Lee at Sorsogon City Mayor Leovic R. Dioneda sa mga
pangkapayapaang inisyatibang ginagawa ng kapulisan lalong-lalo na din sa
komunidad na patuloy na nakikiisa at sumusuporta sa mga adhikain ng PNP. (BARacebido,
PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment