Sunday, August 19, 2012

Resulta ng Special Exam ng Phil. Army sa probinsya ng Sorsogon, inilabas na


LUNGSOD NG SORSOGON, Agosto 20 (PIA) – Inilabas na ng Phil Army ang resulta ng ginawang Philippine Army Qualifying Examinations (officially known as the AFP Battery Test or AFPTB) noong nakaraang Hunyo 9 at 10, 2012 sa Provincial Gymnasium, Sorsogon City.

Matatandaang isa sa naging partisipasyon ng 903rd Brigade ng Philippine Army sa ilalim ng pamamahala ni Col. Felix Castro Jr. noong Independence Day ang pangunguna nito sa pagsasagawa ng espesyal na qualifying examination sa mga nagnanais na maging sundalo.

Ang resulta ng naganap na eksaminasyon para sa Candidate Soldiers Course (CSC), Preparatory Officer’s Training Course (POTC) at Officer’s Candidates Course (OCC) ay maaring makita sa pinakamalapit na kampo ng mga sundalo o sa tanggapan ng Philippine Information Agency Sorsoogn information Center sa Capitol Compound, Sorsogon City.

Ayon kay Civic Military Officer Capt. Arnel Sabas sa mahigit na 500 mga aplikante 261 dito ang pinalad na maging kwalipikado para sa susunod na hakbang tungo sa pagiging sundalo ngayong 2013.

Sakali umanong hindi mag-aplay ang mga nakapasang ito sa loob ng dalawang taon ay mawawalan na ng saysay ang resulta ng kanilang eksaminasyon at magsissimula silang muli sa pinakaunang proseso at muling mag-eeksamin.

Subalit nilinaw naman ni Sabas na walang limitasyon ang muling pagkuha ng eksaminasyon ng isang aplikante hanggat pasok pa ito sa itinakdang edad. Yaon naman umanong mga hindi nakapasa bibigyan pa rin ng pagkakataon o anim na buwang palugit upang upang muling kumuha ng kaparehong pagsusulit.

Patuloy ding hinihikayat ng Phil. Army ang sinumang pasok sa kwalipikasyon na samantalahin ang ganitong pagkakataon lalo na’t mas malaking slot o quota ang maaaring makuha partikular ng mga taga-Sorsogon lalo’t dito ipinanganak ang kasalukuyang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines. (FBTumalad/BARecebido, PIA Sorsogon)

No comments:

Post a Comment