Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, October 26 (PIA) –
Nakatakdang magtagisan ng talino ang ilang mga piling mag-aaral sa sekundarya
at kolehiyo mula sa iba’t-ibang mga paaralan sa lalawigan ng Sorsogon sa isang
patimpalak sa pagsulat ng sanaysay o essay writing contest mamayang hapon
Oktubre 26, 2012.
Sa naging pagpupulong ng mga kinatawan mula
sa Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Education
(DepEd), Philippine Information Agency (PIA) at Municipal Information Officer ng
lokal na pamahalaan ng Daet, Camarines Norte kamakailan, tinalakay ng mga ito
ang mahahalagang hakbang na dapat gawin upang maayos na maipatupad ang nasabing
patimpalak.
Ayon kay Municipal Information Officer at
kalihim ni Daet Municipal Mayor Sarion, inilunsad nila ang “Bicol 2012 Essay
Writing Competition on the Legacy of Secretary Jesse Robredo” bilang pagkilala
sa mga mahahalagang kontribusyon ni dating Kalihim ng DILG Jesse Robredo, at
upang maikintal sa isipan ng mga mag-aaral ang inspirasyong ibinigay nito sa
mga lokal na lider sa bansa dahilan upang maging mabuti at huwarang halimbawa
ito sa pagbibigay ng totoong serbisyo publiko.
Nais din nila umanong mahasa ang mga
kabataan ngayon ukol sa tamang kasanayan sa pagsusulat.
Nagkaroon din ng pagbabago sa lugar na
pagdarausan ng patimpalak kung saan gagawin na ito sa Teacher’s Training Hall
sa Casiguran Central School sa bayan ng Casiguran, Sorsogon.
Tatanggap ng mga sumusunod na gantimpala
ang mga magwawaging mag-aaral: sa Provincial Level para sa category I and II -
First Prize: P5,000.00 at
tropeo; Second Prize: P3,000.00; Third Prize: P2,000.00 at pitong Consolation Prizes na nagkakahalaga
ng P500.00 bawat isa.
Sa Regional Level naman para sa category I
and II - First Prize: P10,000.00 at tropeo; Second Prize: P7,000.00; Third
Prize: P5,000.00 at tatlong Consolation Prizes na nagkakahalaga ng P1,000.00
bawat isa. (BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment