Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Disyembre 17 (PIA) –
Kahit pa idineklara ng Pangulong Benigno Aquino III ang “State of National
Calamity” sa bansa, nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) Sorsogon sa pangunguna ni provincial director Leah Pagao na tanging sa mga
sakop na lugar lamang na sinalanta ng bagyong ‘Pablo’ iiral ang “Price Freeze”.
Ang “Price Freeze” ay ang pagkontrol ng pamahalaan
ng mga pangunahing bilihin lalo kung nakaranas ng kalamidad ang isang lugar,
ito ay upang mamantini ang halaga ng mga bilihin at maging abot-kaya sa mga
mamimili. Layunin din nitong maiwasan ang numang pananamantala sa mga panahong
may kakulangan sa suplay ng mga pangunahing pangangailangan sa mga pamilihan.
Matatandaang una nang nagbabala ang DTI na
hindi magdadalawang-isip ang pamahalaan na patawan ng mas mabigat na parusa ang
sinumang negosyante na mahuhuling magsasamantala
sa pagtataas ng halaga ng kanilang mga paninda dahil lamang sa sunod-sunod na
mga pag-uulan o pagbaha sa kanilang mga lugar.
Sa panahong
nagpapatupad ng price freeze, tanging ang mga de-lata, noodles, gamot at LPG
lamang ang sakop nito kung kaya’t may ilang mga mababtas din ang
nagmumungkahing isama ang tubig, bigas at asukal sa price control sa oras ng
kalamidad. Dagdag din ng mga itong napapanahon na ring repasuhin at amyendahan
ang ilang mga probisyon ng kasalukuyang batas na umiiral ukol sa price control
law.
Samatala, nilinaw
din ng DTI Sorsogon na kinakailangang sumunod ang mga negosyante sa ‘suggested
retail price’ na itinakda ng kanilang tanggapan at hindi dapat na magsamantala
ang mga negosyante lalo ngayong nalalapit na ang kapaskuhan at bagong taon.
Hinikayat din ng DTI ang publiko na
magsumbong sa kanilang tanggapan sakaling may alam silang mga negosyanteng
lumalabag sa mga tuntuning ipinatutupad ng pamahalaan ukol sa tamang halaga ng
mga bilihin lalo na ng mga produktong pang-noche buena. (BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment