Monday, March 4, 2013

Fun Walk para sa Malinis, Maayos, at Mapayapang Halalan 2013 sinuportahan ng mga Sorsoganon



Advocates of H.O.P.E. 2013
Ni: FB Tumalad, Jr.

LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 4 (PIA) – Muling nanaig ang pagkakaisa ng mga Sorsoganon sa pamamagitan ng pakikiisa nito sa adbokasiya ng PBN-DZMS katuwang ang Comelec at Philippine National Police (PNP) noong Sabado Marso 2, 2013, ang “Walk for Life, Walk for Love Part 2” na may temang “Honest Orderly and Peaceful Election”.

Sinimulan ang banal na misa ganap ng alas -ingko ng madaling araw sa kapitolyo probinsyal pagkatapos ay nagtipon-tipon na ito para simulan ang paglalakad  patungong City Hall sa p[angunguna ng mga kasapi ng Sorsogon Police Provincial Office.

Nakaantabay ang isang ambulansya habang isinasagawa ang aktibidad para sa anumang emerhensyang kakaharapin ng mga nakilahok at nagtalaga ng mga water station sa mga lugar na dadaanan ng mga mauuhaw na mga partisipante.

Ayon kay PBN-DZMS Station Manager Andy Espinar, isang panawagan ang aktibidad para sa Malinis, Maayos at Mapayapang Halalan 2013 habang ang malilikom na pondo ay mapupunta sa mga nasalanta ng bagyong Pablo  sa Mindanao. Bawat nagrehistrong kalahok ay binigyan ng isang t-shirt at sertipiko.

PIA Sorsogon with SM Andy Espinar
Aniya, base sa kanilang tala ay umabot sa 900 katao ang bilang ng mga nagpalista na kinabilangan ng mga mangagawa at opisyal ng City at provincial Comelec, 1st District Engineering Office ng DPWH, Energy Development Office (EDC), City at Provincial Environment and Natural Resources Office-LGU, PIA, Matnog Irrigation Administration, mga mangagagawa ng gobyerno probinsyal, lungsod at opisyal ng mga barangay sa Sorsogon City.

Kabilang din sa mga dumalo ang mga mag-aaral ng Celestino G. Tabuena National High School (CGTHS), Villanueva Institute of Bacon (VIB), at Galver Institute of Science and Technology (GIST) na may pinakamalaking bilang ng mga nakilahok. (FBTumalad, PIA Sorsogon)

No comments:

Post a Comment