Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 29 (PIA) – Isasagawa
bukas sa lungsod ng legazpi ang oryentasyon ukol sa Solid Waste Management Plan
(SWMP) para sa mga Local Government Unit (LGUs) ng Sorsogon at pirmahan ng
Memorandum of Agreement (MOA) kaugnay ng binuong plano para sa solid waste
management program ng Sorsogon.
Ayon kay Environmental Management Bureau
Regional Director Roberto D. Sheen ng Department of Environment and Natural
Resources (DENR), magtitipon-tipon bukas ang mga kinatawan ng Provincial Solid
Waste Management (PSWM) Council at mga punong ehekutibo para sa gagawing
oryentasyon para sa 14 na mga bayan at isang lungsod ng Sorsogon nang sa gayon
ay lubusang maunawaan ng mga ito ang binuong plano at ang gagawing pagpapatupad
nito.
Kasabay nito ay ang pirmahan ng MOA para sa
pagsusulong ng sampung taong Provincial Solid Waste Management Plan ng Sorsogon
upang higit pang mapagtibay ito at magkaroon ng iisang direksyon sa
pagpapatupad ng plano alinsunod sa mga napagkasunduan.
Tatalakayin din umano sa nasabing
pagtitipon ang mga pinakahuling kaalaman, polisiya, at mga mahahalagang
probisyong nakapaloob sa Republic Act 9003 o ang Philipphine Ecological Solid
Waste Management Act 0f 2000, at ang papel na gagampanan ng LGU.
Nakatakda ring magkaroon ng Open Forum para
sagutin ang mga agam-agam at mga usaping maaaring makahadlang sa matagumpay na
pagpapatupad ng binuong mga plano.
Ayon pa kay RD Sheen, magiging basehan din
ang ang 10-yr Provincial Solid Waste Management Plan na ito para sa mas
epektibong ecological solid waste management program ng rehiyon ng Bicol.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng EMB
katuwang ang National Solid Waste Management Commission (NSWMC) kung saan
inaasahan din ang pagdating ni NSWMC Deputy Executive Director Engr. Eligio
Ildefonso. (BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment