By: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 27 (PIA) – Isang
Simulation Emergency Exercise ang isinagawa sa bayan ng Juban, Sorsogon nitong
Martes at Miyerkules at ngayong araw hanggang bukas sa bayan ng Irosin ditto sa
Sorsogon sa pangunguna ng Office of the Civil Defense Regional Office V sa
pakikipagtulungan sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office
(PDRRMO) ng Sorsogon.
Ipinapakita sa nasabing simulation
emergency exercise kung paano nagtutulungan ang iba-ibang kasapi ng Municipal
Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) sa panahong may emerhensya
lalo na sa bahagi ng koordinasyon, komunikasyon, pagpapalaganap ng impormasyon,
contingency planning at standard operating procedures.
BDRRMC at MDRRMC ng Juban |
Ayon kay OCD-NCR Ms. Susan Quiambao ang
simulation exercise na ito ay isang mahalagang sangkap upang mapalakas pa ang
pagbibigay ng impormasyon at ang komunikasyon at koordinasyon ng mga ahensyang
sangkot. Ibinigay niyang halimbawa ang idinudulot na trahedya ng aktibidad ng
Bulkang Bulusan sa mga komunidad upang umano’y magtulungan upang mas mapaayos
pa ang mga ginagawang paghahanda at pagresponde sa panahong may kalamidad.
Ayon kay Sorsogon Provincial Disaster Risk
Reduction Management Office (SPDRRMO) Field Coordinator Sonia Lariosa, sa
ginawang simulation emergency exercise sa Juban, mahigit 80 tao ang nakilahok.
Mainit din ang nagging pagtanggap ni outgoing Juban Mayor Jimmy Fragata sa mga
kinatawan ng iba-ibang mga departamento ng pamahalaan kabilang na ang Office of
Civil Defense (OCD), Department of Interior and Local Government (DILG),
Municipal Social Welfare and Development (MSWD), at ang Department of Health
(DoH). Naroroon din ang iba’t-ibang mga humanitarian non-government
organizations (NGOs) at si Ginang Marg Olson, kinatawan ng United Nations
Forest Service.
Ang nasabing simulation exercise ay base sa
isang senaryo kung saan pumutok ang Bulkang Bulusan na nasa Alert Level 2. Ang
mga kalahok sa aktibidad ay kailangang rumisponde sa pamamagitan ng maayos na
pagpapadaloy ng komunikasyon na para bang tunay na nagaganap ang pangyayari.
Ang mga aktibong nakilahok. |
Ayon naman kay Mayor Fragata, ang nasabing
emergency simulation exercise ay malaking tulong sa mga bayan na pangunahing
apektado sa tuwing pumuputok ang Bulkang Bulusan na makapaghanda at
mapamahalaan ng maayos ang mga pangyayaring hindi inaasahan, makagawa ng tamang
desisyon sa kabila ng pagharap sa emerhensya gamit ang pinakamainam na
istratehiya ng komunikasyon at makagawa ng mga inisyatibang makatutulong upang
maiwasan ang pagbubuwis ng buhay at pagkawala ng mga ari-arian.
Ang aktibidad ay bahagi ng World Food
Programme (WFP) Philippines Disaster Preparedness and Response Project na
pinondohan ng United States Agency for International Development Office/Office
of Foreign Disaster Assistance. (BARecebido, PIA Sorsogon/larawan:OCD-5)
No comments:
Post a Comment