Friday, October 11, 2013

DENR kinilala ang mga Protected Area sa Bansa


LUNGSOD NG LEGAZPI, Oktubre 11, (PIA) – Nanguna ang Mount Kitanglad Range ng Bukidnon  sa pitong kinilala ng Department of Environment and Natural Resources sa Protected Area Awards and Recognition na ginanap kasabay ng ika-apat na pulong ng Association of South East Asia Nation (ASEAN) Heritage Parks sa unang pagkakataon sa Lunsod ng Tagaytay noong Oktubre Uno ng taong kasalukuyan.

Ginawaran ng pagkilala ang mga Park Managers at ang kanilang pangkat sa kapitapitagang pagsisikap at malikhaing Gawain na mapangasiwaan ang mga naturang Parke.

Ayon kay Kalihim Ramon Paje ng DENR, nais ng ahensya na maipakita ang tagumpay sa Protected area management at makapag hikayat pa ng mas mataas na antas ng kahusayan sa pagpapahalaga ng protected areas at manguna sa pagtamo ng suporta mula sa iba’t ibang sektor.“

Ang naturang pulong ay binuo ng 300 delegado  mula sa kasaping bansa ng ASEAN sa layunin nitong mabigyang ng halaga ang mga protected areas sa rehiyong Asya.

Nagwagi ang Mt. Kitanglad Range Natural Park sa Bukidnon halos karamihan sa pagkilala kabilang dito ang “Engagement with Indigenous Peoples/Local Communities," "Institutional Organization/Active PAMB (Protected Area Management Board)," at "Actual Bio-Physical Improvements."

Samantala ang The Taal Volcano Protected Landscape na sumasakop sa may 13 bayan at tatlong lunsod sa mga lalawigan ng Batangas at Cavite sa Timog Luzon, nanalo at kinilala sa “Law Enforcement” category. Ang kategoryang ito ay kumikilala sa matagumpay na aksyon laban sa mga lumalabag sa mga batas pang Kapaligiran, lalo pa’t sa Protected Areas ang may pinakamapanganib na gawain.

Ang “Sustainable/Innovative Financing” Award ay ginawad sa Apo Island Protected Landscape/Seascape ng Dumaguete City sa Negros Oriental. Ang kategoryang ito ay nagpapahiwatig ng kahusayan sa pagpapanatili ng operasyon sa kabila ng limitadong pondo gugulin mula sa pamahalaan, pondong mula sa ibang organisasyon o pondong halaw sa sariling mga pinagkakakitaan ng Parke.

Sa Hilagang Luzon ang Mt. Pulag National Park isang tanyag na puntahan ng mga  mahilig umakyat sa bundok ay nakakuha ng pagkilala bilang may pinaka mataas na “impact sa Local Communities” bunsod ng pagkakatatag nito ng mga mekanismo na nagsaayos sa mga pamayanan sa pamamagitan ng mga likas-kaya at nakakatulong sa biodiversity.

Para naman sa “Partnership” category, ang mg Bundok Banahaw-San Cristobal Protected Landscape sa lalawigan ng Laguna at Quezon provinces ang kinilala sa pakikipagtulungan nito sa lokal na pamahalaan o local government units (LGUs); Mt. Mantalingahan Protected Landscape sa Palawan para sa pakikipagtulungan sa mga samahan sa iba’t ibang sektor ng lipunan  habang ang Tubbataha Reefs Natural Park sa Palawan naman ay kinilala sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan.

Tinanggap ng mga opisyal ng DENR, Protected Area Superintendent, at kinatawan mula sa PAMB, at mga LGU ang mga plake ng pagkilala.
 
Ayon kay Kalihim Paje nakakamit na ang Pilipinas ng mahahalagang hakbang sa pag matalinong paggamit ng samu’t saring buhay at pagpapalaganap ng likas kayang pag-unlad simula noong maisabatas ang Republic Act No. 7586, o ang National Integrated Protected Areas System (NIPAS) Act of 1992.

Sa kabuuang 240 marine at terrestrial protected areas na naitatag mahigit  5.4 milyon ektarya mula sa panahon na maisabatas ang NIPAS, 89 ay natustusan ang sarili nilang gastusin sa pamamagitan ng nakolektang buwis, 36 ay may sariling management plans, lima ay may buong boundaries na naitala, habang 86 ay may kani kanilang boundaries na naitala.

Natuklasan ang mga bagong uri ng hayop, naitala at nakilala sa pandaigdigang pamayanan, pahiwatig na may mahusay na pangasiwaan kung saan ang mga organismong ito ay nabubuhay. (DENR-V/PIA, Sorsogon)

No comments:

Post a Comment