Tagalog News Release
SORSOGON PROVINCE (March 17) – Muling napatunayan ang galing ng mga mag-aaral mula sa Gubat National high School matapos na makuha nito ang unang pwesto sa ginanap na Final Showcase ng Project Citizen: promoting democratic values in the province of Sorsogon.
Ang project citizen ng Gubat National High School at tumutok sa kagustuhan ng mga mag-aaral na mailigtas ang unti-unti nang namamatay na industriya sa pagpapalayok ng Brgy. Paradijon sa bayan ng Gubat.
Ayon kay Provincial Executive Assistant for Education Dr. Librada Esplana mula sa dalawampung mga pampublikong paaralan sa lalawigan, pumili ng limang project citizen finalist kung saan nakabilang ang Barcelona National Comprehensive High School sa bayan ng Barcelona na nagnanais na mabawi ang legasiya ng Barcelona Park at maisama sa mga deklaradong historical site ng National Historical Institute.
Napabilang din ang Beguin National High School sa bayan ng Gubat na tinutukan ang malawakang illegal logging sa Brgy. Monte Calvario sa Bulan at ang killer landslide sa Magallanes na nag-ugat din sa illegal logging.
Tinutukan naman ng project Citizen ng Alcoba National high School sa Bulan ang Effective Solid Waste Management at pagmamahal sa kalikasan habang ang Matnog National High School ay tinutukan naman ang peligro sa kalusugan at buhay ng mga Batang Sisid Barya sa bayan ng Matnog.
Ang project Citizen ay isang research-based project para sa mga kabataan na tinutulungan ng Spanish Government. Sinasanay nito ang mga mag-aaral sa larangan ng policy development at art of lobbying sa pamamagitan ng mga workshop at exposures.
Mula sa mga natutunan nila maaari nang sila mismo ang gumawa ng policy advocacy o di kaya’y alternatibong solusyon na maipiprisinta nila sa kanilang barangay officials.
Ayon pa kay Esplana sa pamamagitan ng Project Citizen ay napupukaw ang kamalayan ng mga mag-aaral at kabataan sa mga isyu at suliranin sa kani-kanilang mga barangay dahilan upang
maging well-informed citizens at maging matuwid ang mga ito sa hinaharap. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment