Tagalog News Release
SORSOGON PROVINCE – Eksaktong alas syete ng umaga noong June 30, nang sinimulan kahapon ang programa kaugnay ng inuagural at oath taking ceremonies ng bagong halal na gobernador at bise-gobernador ng lalawigan ng Sorsogon.
May temang ”Mula Noon... Hanggang Ngayon... Isang Adhikain, Isang Pag-asa,” sinimulan ang unang bahagi ng aktibidad sa pamamagitan ng isang Misa ng Pasasalamat.
Sinundan ito ng maikling programa na kinapalooban ng Pambansang Awit ng Pilipinas, pagpapakilala ng mga bagong halal na opisyal at ng Oath-taking ng mga provincial board members na inadminister ni Hon. Judge Rofebar Gerona.
Matapos ito ay agad namang isinunod ang Oath-taking ni Vice-Governor Antonio H. Escudero, Jr. na pinangasiwaan ni Hon. Judge Victor C. Gella.
Matapos naman ang turn-over speech ni ex-governor Sally A. Lee ay pinangasiwaan na nito ang Oath-taking ng bagong halal na gobernador, Raul R. Lee.
Sa Inaugural Address ni Gov. Raul R. Lee, binigyang-diin niya ang pagpapatuloy ng mga programa ng kanyang asawang si ex-governor Sally Lee partikular ang HEARTS program na kinapapalooban ng programa sa kalusugan, turismo, climate change mitigation, agrikultura, sports development at programa sa pabahay.
Inihayag din ng bagong gobernador na paiigtingin niya ang kapayapaan at seguridad sa lalawigan at titiyakin din niyang maipapatupad ang hinahangad niyang railways extension sa bayan ng Matnog.
Nanawagan din ang bagong gobernador sa mga mamamayan ng Sorsogon na makipagtulungan sa pamahalaan nang sa gayon ay makamit ang tunay na minimithing pagbabago at pag-unlad. (PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment