Monday, August 23, 2010

MGA SUNDALONG NAMAMALENGKE, TINAMBANGAN NG BANDIDONG NPA SA SORSOGON, 1 PATAY AT ISA SUGATAN

Press Release

SORSOGON PROVINCE (August 23) – TINAMBANGAN NG MGA BANDIDONG NPA ANG DALAWANG SUNDALO NG 49TH INFANTRY BATTALION NA NAMAMALENGKE NG PAGKAIN SA GUBAT SORSOGON KAHAPON, AUGUST 22, 2010.

AYON KAY LTC SANTIAGO ENGINCO, PINUNO NG 49TH INFANTRY BATTALION, NAATASAN NA BUMILI NG PAGKAIN PARA SA KANILANG DETACHMENT ANG DALAWANG SUNDALO NA SI PFC JAYSON CERDON AT SI PFC ERWIN BARRAGA KAHAPON, LINGGO.

PABALIK NA ANG DALAWA LULAN NG KANILANG MOTOR NG SILA AY TINAMBANGAN NG 4 NA BANDIDONG NPA SA KALSADA SA BARANGAY SANGAT, GUBAT SORSOGON DAKONG 4:45 NG HAPON KAHAPON.

NANG NAKITANG BUMULAGTA SI CERDON DAHIL SA 3 TAMA SA PAA, AY NILAPITAN PA ITO NG MGA BANDIDO AT BINARIL SA NOO, NA NAGING DAHILAN SA AGARAN NITONG PAGKAMATAY.

SAMANTALA, NAGKUNWARI NAMANG PATAY SI BARAGA NA NAGTAMO DIN NG SUGAT SA KANYANG BALIKAT, SA KANYANG HITA, SA KANANG TUHOD AT NAKITA NYA MISMO ANG KARUMAL-DUMAL NA PAGPATAY NG KANYANG KASAMA NA NAGMAMAKAAWA PA SA MGA BANDIDO.

SI BARRAGA AY NADALA SA ISANG OSPITAL SA SORSOGON CITY UPANG GAMUTIN.

AGAD-AGAD NA NAGPADALA NG KARAGDAGANG SUNDALO SA LUGAR SI MAJOR GENERAL RUPERTO PABUSTAN UPANG TUGISIN ANG MGA BANDIDONG NPA.

NANANAWAGAN DIN SI PABUSTAN SA MGA BANDIDO NA RESPETUHIN ANG KARAPATANG PANTAO NG KAHIT SINO MAN, PATI NA ANG MGA KASUNDALUHAN. (Capt. EObenieta, CMO, 49 IB, 9ID, PA)

1 comment:

  1. you demand for justice and equality that is why you want better government...but you don;t practice equality and justice on what you did for jayson...and other captives when they are begging for their lives...

    ReplyDelete