Wednesday, September 29, 2010

PHIL. DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT AT CLIMATE CHANGE ACT ORIENTATION AND CONSULTATION ISINASAGAWA

Tagalog News

SORSOGON PROVINCE (Sept 29)– Kasalukuyang isinasagawa dito ngayon sa lalawigan ng Sorsogon ang isang araw na orientation at consultation activity ukol sa mahahalagang probisyong nakasaad sa Philippine Disaster Risk Reduction Management Act at Climate Change Act of 2009 o ang Republic Act 9729.

Kalahok sa aktibididad ang mga local chief executives, municipal legislators, mga kinatawan ng ahensya ng pamahalaan, mga non-government organizations kasama na ang people’s organizations sa buong lalawigan.

Naisakatuparan ito sa pangunguna ng Provincial Government sa pamamagitan ng Sorsogon Provincial Disaster Risk Management Office sa pakikipagkawing nito sa Coastal Community Resources (Coastal CORE) and Livelihood Development, Inc., isang non-government organization na nakabase dito sa lalawigan.

Ayon kay Maila E. Quiring, Disaster Risk Reduction Officer ng Coastal CORE layunin ng aktibidad na mabigyan ng kaukulang impormasyon ukol sa mahahalagang probisyong nakasaad sa Climate Change Act of 2009 at sa DRR Management sa Pilipinas ang mga key personalities sa lalawigan nang sa gayon ay maipatupad nang maayos ang mga batas na ito sa local level.

Layunin din diumano nito na kunin ang mga opinyon, feedback at iba pang mga saloobin ng mga kalahok ukol sa iminumungkahing Implementing Rules and Regulations o IRR ng DRRM Act at ng Climate Change Act.

Resource speakers sina Ruel Cabile ng DRRNet Philippines at World Vision na magpiprisinta ng DRRM Act and its proposed IRR, habang ipiprisinta naman ni Atty. Edna Edna Maguigad, policy officer ng Aksyon Klima Pilipinas at SEARICE ang mga highlights ng Climate Change Act and its IRR.

Nakatakda ring talakayin ni Coastal CORE executive director Shirley Bolaños ang paksang DRR & CCA interface/harmonizing the two laws at the local level. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)

No comments:

Post a Comment