Thursday, September 9, 2010

WORLD FIRST AID IPAGDIRIWANG SA SEPT 12; AKTIBIDAD INIHANDA NA NG PNRC SORSOGON

Tagalog News

SORSOGON PROVINCE (Sept 9) – Ilang mga aktibidad ang nakatakdang gawin ng Philippine National Red Cross Sorsogon Chapter kaugnay ng pagdiriwang ng World First Aid ngayong darating na ika-labingdalawa ng Setyembre sa ilalim ng temang ”First Aid for All”.

Ayon kay PNRC Sorsogon Capter Administrator Salvacion Abotanatin, noong Hulyo nitong taon ay sinimulan na nilang ire-active ang mga Red Cross Youth Councils sa halos ay pitong mga paaralan sa sekondarya at kolehiyo dito bilang paghahanda na rin sa pagdiriwang ng World First Aid Day.

Halos ay limangdaang mga Red Cross Youth ang naghayag na ng kanilang interes na lumahok sa gaganaping pagdiriwang kung saan lahat ng mga ito ay sumailalim at nakatapos na ng First Aid training na isinagawa ng Red Cross Sorsogon.

Alas nueve ng umaga nakatakdang magkaroon ng motorcade na susundan ng isang programa sa provincial gymnasium. Dito na rin isasagawa ang poster making contest at bandaging technique competition.

Sa hapon naman isasagawa ang awarding at recognition ng lahat ng mga nanalo at lumahok sa patimpalak.

Samantala, matapos ang pagdiriwang ng World First Aid sa linggo ay sisimulan na rin agad ng mga kasapi ng Red Cross Youth Council ang mga paghahanda para naman sa selebrasyon ng Red Cross Youth month sa darating na Oktubre. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)

No comments:

Post a Comment