Thursday, December 23, 2010

“PNP WOUNDED PERSONNEL MEDAL” CONFERRED TO SORSOGON POLICE OFFICER

News Release

PO1 Jose B. Caspe (photo by:SPPO)
SORSOGON CITY (December 23) – Police Senior Superintendent Victor Pelota Deona, Deputy Regional Director for Administration of the Philippine National Police (PNP) Region V, yesterday, December 22, awarded “PNP Medalya ng Sugatang Magiting” (PNP Wounded Personnel Medal) to Police Officer I Jose B. Caspe who showed courage in hounding two armed individuals suspected to be selling illegal drugs in the town of Irosin, Sorsogon on December 18, 2010.

(photo courtesy: SPPO)
Present during the conferment were PNP Sorsogon Provincial Director PSSupt. Heriberto O. Olitoquit, family of PO1 Caspe, Sorsogon Provincial Police Office personnel and members of media who covered the event, 10:00AM, at the Sorsogon Medical Mission Group (popularly known as SorDoc) Hospital in Sorsogon City where Caspe was confined.

"The activity is tendered in recognition of Caspe’s outstanding courage displayed in responding to his service in our fight against criminal elements," PD Olitoquit said.

It can be noted that PO1Caspe sustained a gunshot wound during a hot pursuit operation together with members of the Police Intelligence Service (PIS) of Sorsogon Police Provincial Office (SPPO) and Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) in Brgy. Gabao, Irosin town, Sorsogon, about 5:45 in the afternoon of Dec. 18.

The successful police operation and the enormous courage demonstrated by PO1Caspe resulted to the arrest of the two suspects identified as Corporal Rommel Gavino y Valdez of the 83rd Infantry Battalion, Philippine Army based in Catanduanes and one Rigoberto Atienza y Falcon, resident of Nabua, Camarines Sur as well as resulted to the recovery of one (1) Cal.45, one (1) Cal.38 handguns and seven (7) sachets believed to contain shabu.

PSSupt Victor Deona confers the award to PO1 Caspe.
“We believe that the sacrifices and valor shown by Caspe in doing his duty to maintain and promote peace and order in the community will serve as inspiration to be emulated not only by the police force but by every civil servant with the strong desire and sincerity to serve the larger community,” said Olitoquit. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon/SPPO)

PINAKAMATAAS NA TAX COLLECTION EFFICENCY SA BUONG BIKOL NAKUHA NG SORSOGON CITY


Tagalog News

SORSOGON PROVINCE – Muling napatunayan ng Sorsogon City ang galing nito pagdating sa koleksyon ng buwis matapos na mahigitan nito ang anim pang mga lungsod sa buong rehiyon ng Bikol.

Ayon kay Bureau of Local Government and Finance Bicol OIC Regional Director Florencio Diño, naitala ng lungsod ng Sorsogon ang pinakamataas na koleksyon ng buwis nitong third quarter ng taong 2010.

Ayon pa kay Diño, 16.17 milyong piso ang itinakdang annual target for real property tax ng Sorsogon City subalit nakalikom na ito ng umaabot sa  58.68 milyong piso o 363% collection efficiency bago pa man pumasok ang huling tatlong buwan ng taon.

12.78 million pesos naman ang annual target nito para sa business tax collection subalit umabot ng 18.63 million pesos o 146% ang naging koleksyon nito.

Sa panig naman ng economic enterprise, 1.65 million pesos ang target collection ng lungsod subalit umabot sa 2.38 million pesos o 144% ang naging aktwal collection nito.

Pinuri din ni Diño ang naging pagsisikap ni OIC City Treasurer Roberto Dooc, OIC City Assessor Antonio Venturero at ang pamahalaang lungsod ng Sorsogon dahilan upang makapagtala ito ng pinakamataas na koleksyon sa buwis sa buong rehiyon.

Ayon naman kay Sorsogon City Information Officer Manny Daep, ang tagumpay nilang ito ay bunga na rin ng pinasiglang relasyon sa pagitan ng mga negosyante at ng lokal na pamahalaan, paglalagay ng mga pasilidad na magpapabilis sa mga transaksyon, at suporta na rin mula sa sektor ng negosyo at publiko na naging dahilan upang makamit ang progresibong reporma at hakbanging ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Sorsogon. (may ulat mula Kay Buddy Duka)

HINDI MAPAGKAKATIWALAANG SERBISYO NG KURYENTE AT INTERNET PROVIDERS INIREREKLAMO NG MGA NEGOSYANTE AT EMPLEYADO

Tagalog News

SORSOGON PROVINCE – Nakakasakit na rin sa tenga ang paulit-ulit na mga reklamong naririnig mula sa mga negosyante at ng mga empleyado dito, pampubliko man o pampribado, ukol sa madalas na pagkakaroon ng mga power service interruptions na ayon sa maraming mga negosyante dito ay lubhang nakakaapekto sa kanilang negosyo at nakapagbababa din ng moral ng mga negosyanteng nais mamuhunan dito sa lalawigan ng Sorsogon.

Maging ang mga kawani ay nagrereklamo din dahilan sa maraming trabahong nabibinbin sanhi ng hindi mapagkakatiwalaang power service na ang ilan ay announced habang ang iba ay mga unannounced interruptions maliban pa sa nakakasira ito ng mga kagamitan.

Base sa monitoring ng PIA Sorsogon, nito lamang nakaraang buwan ng Oktubre at Nobyembre ay nakapagtala ng mahigit sa labingwalong beses na pagpatay ng kuryente kung saan kadalasan dito ay apat hanggang siyam na oras ang itinatagal.

Ayon naman sa mga kawani, maliban sa perwisyong dala ng mga power service interruptions, malaking perwisyo din ang mahina at hindi mapagkakatiwalaang serbisyo ng mga network providers. Partikular na pinangalanan nila ang Bayantel, Digitel at SMARTBRO na kadalasang kung hindi man paputol-putol ay walang serbisyong ibinibigay.

Tulad na lamang ng Bayantel na ayon pa sa isang source na tumanggi nang magpakilala, ay umaabot na ng halos ay tatlong buwan na hindi pa rin nakapagbibigay ng maayos na serbisyo.

Kaugnay nito nanawagan ang mga negosyante at kawani ng mga tanggapan na isaayos na ito sa lalong madaling panahon at isaalang-alang ang mga ibinabayad ng kanilang mga customer. Hinamon din nila ang mga ito na kung hindi rin lamang makapagbibigay ng magandang serbisyo ay magsara na lamang upang mas mabigyan ng pagkakataon ang ibang mga mamumuhunan na makapasok dito sa lalawigan.

Pinuri din ng mga ito ang resolusyong isinusulong ni Sorsogon City Councilor Victorino Daria ukol sa pagpapataw ng penalidad sa Sorsogon II Electric Cooperative sakaling mapatunayan ang kanilang negligence at liability sa mga nangyayaring trip-offs at unannounced power service interruptions. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)

BIR SORSOGON POSITIBONG MAAABOT ANG TARGET TAX COLLECTION SA TAONG 2010


Tagalog News

SORSOGON PROVINCE – Inihayag  ni BIR Sorsogon Assistant Revenue District Officer Eutiquio Grajo na positibo ang kanilang tanggapan na maabot nila ang tax goal na ibinigay sa kanila para sa taong 2010 lalo pa’t nasa P13M na lamang ang tax collectibles nila para sa buwan ng Disyembre ngayong taon.

Ayon sa kanya, bago pumasok ang buwan ng November 2010 ay nasa P43M pa ang kanilang collectibles, subalit matapos ang tumalikod na buwan ay nakapagkolekta na sila ng P30M kung kaya’t natitiyak niyang bago matapos ang buwan ng Disyembre ay makokolekta na nila ang natitira pang P13M lalo pa’t nasa 25 hanggang 30 million pesos ang average collection na naitatala nila buwan-buwan, sobra ng 12 hanggang 17 million sa natitira pa nilang target collection.

Samantala, ipinaliwanag din ni Grajo na ang tax collection sa bawat lugar ay nakadepende sa economic activities nito. Aniya, sa lugar na tulad ng Sorsogon City, maaring sa panlabas na anyo ay masasabing economically boom na rin ito dahilan sa mga nagsusulputang mga business establishments, subalit dapat aniyang maintindihan ng publiko na kung ang itinatayong economic establishments ay pawang mga branches lamang ng mas malalaking kumpanya, hindi garantiya na magkakaroon ng malaking tax collection dahil ang buwis sa operasyon nito ay binabayaran sa lugar kung saan naroroon ang kanilang main establishment.

Aniya, mas matutulungan ng taong-bayan ang BIR kung magbabayad ito ng tamang buwis at susuportahan ang mga programang ipinatutupad ng pamahalaan kung kaya’t hinikayat pa rin ni Grajo ang publiko na patuloy na humingi ng resibo at tumulong sa pagpapaigting sa kampanya ng BIR ukol dito.

Ipinanawagan pa rin niya ang paghingi ng resibo sa kabila ng magandang feedback ukol sa paghingi ng resibo ng mga mamimili at ang kusang pagbibigay na sa ngayon ng resibo ng mga establisimyento dito sa lungsod at maging sa buong lalawigan.

Aniya, sa pamamagitan ng paghingi ng resibo sa mga binabayaran nilang transaksyon ay nakatulong na sila sa pamahalaan, may pagkakataon pang silang maging milyonaryo sa pamamagitan ng pagsali sa Premyo sa Resibo. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)

Monday, December 20, 2010

SOR POLICE PROV’L OFFICE NAGPALABAS NG LISTAHAN NG MGA PAPUTOK NA MAAARING GAMITIN NGAYONG PASKO AT BAGONG TAON


Tagalog News

SORSOGON PROVINCE – Ipinalabas ng Sorsogon Police Provincial Office ang listahan ng mga firecrackers at mga pyrotechnic devices na maaaring gawin, ipagbili, ipamahagi at gamitin ngayong pasko at sa pagsalubong sa darating na bagong taon.

Sa press release ng SPPO, ang mga sumusunod na mga firecrackers at pyrotechnic devices lamang ang pinapayagan alinsunod sa itinatakda ng Republic Act 7183. Sa mga firecrackers:
1.   Baby Rocket – firecracker na mayroong stick na aabot lamang sa labindalawang pulgada na pumuputok paitaas.
2.   Bawang – firecracker na mas malaki sa trianggulo na may 1/3 kutsaritang pulburang inilagay sa cardboard, korteng bawang na tinalian sa palibot.
3.   Small Trianggulo – firecracker na hugis tatsulok o triangle na mas kaunti ang pulbura kaysa sa bawang at nakabalot sa ¾ pulgadang brown  na papel.
4.   Pulling of String – firecracker na hugis  tubong aabot sa ¼ pulgada at may binubunot na sinulid sa magkabilang dulo bago ito pumutok.
5.   Paper caps – paputok na may kaunting pulbura na inilagay sa manipis na papel na ginagamit sa mga laruang baril.
6.   El  Diablo – paputok na hugis tubong may mitsa na may sukat na 1 1/4 pulgada, tinatawag din itong rebentador.
7.   Watusi – kulay pulang kahugis ng tingting na may 1 ½ pulgadang haba at ikiniskis upang pumutok.
8.   Judah’s Belt – pinagdugtong-dugtong na mga firecrackers tulad ng el diablo at maliit na trianggulo at sunud-sunod na pumuputok na tulad ng bawang.
9.   Sky Rocket (kwitis) – malking baby rocket na umaabot sa apatnapu hanggang limampung talampakan paitaas bago pumutok.

Sa mga Pyrotechnic Devices, pinapayagan naman ang mga sumusunod:
1.   Sparklers – pyrotechnic device na may pulbura sa wire o sa parang tubong papel na umiilaw kapag sinisindihan.
2.   Lusis – iba’t-ibang mga sparklers.
3.   Fountain – sparkler na hugis apa na umiilaw ng iba’t-ibang kulay kapag sinisindihan.
4.   Regular at special Jumbo – malaking fountain.
5.   Mabuhay – tinaliang mga sparklers.
6.   Roman Candle – kahalintulad ng fountain subalit hugis kansila ito.
7.   Trompillo – pyrotechnic device na may tali sa gitna, umiikot at nagkakaroon ng iba’t-ibang kulay habang pumapaitaas.
8.   Airwolf – hugis eroplanong may elise na pumapaitaas mula apatnapu hanggang limampung talampakan kapag nasisindihan at naglalabas ng ng iba’t-ibang kulay ng ilaw habang pumapaitaas.
9.   Whistle Device – na kapag nasisindihan ay pumipito muna bago pumutok.
10.Butterfly – hugis paru-parong pyrotechnic device na pumapaitaas      habang umilaw-ilaw.

Ang mga paputok na kunsideradong mapanganib sa buhay   at maaaring makasira sa katawan ng tao ay ang ”atomic big trianggulo” at ”super lolo” kung kaya’t ipinagbabawal ito sa mga tindahan ng paputok.

Inabisuhan din ng SPPO ang mga nais magtinda ng mga paputok ay dapat na kumuha ng lisensya at business permit sa PNP chief sa pamamagitan ng Police Provincial Director na sumasakop sa lugar kung saan sila maglalagay ng kanilang tindahan ng paputok.

Bawal namang maglagay ang mga lisensyadong tagabenta ng mga paputok na aabot sa 25 kilos sa kanilang tindahan. Dapat mayroon silang bodegang iimbakan ng sobra nilang paninda na kukunin lamang kung ito ay kinakailangan.

Dapat ding isakay ang mga paputok sa pribadong sasakyan kung ibabyahe ito. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbabyahe nito sa mga pampasadang bus at jeep.

Kailangan ding ilagay ng mga gumagawa ng paputok ang kanilang pangalan  at address at dapat na may nakatatak ditong ”DO NOT LIGHT IN HAND”. Kunsideradong ilegal ang mga paputok kung wala nito at kukumpiskahin din ito ng mga awtoridad. Maging ang importation ng m ga paputok ay ipinagbabawal din.

Ayon naman kay Police Provincial Director PSSupt. Heriberto Olitoquit, ang PNP ang may kapangyarihang kumumpiska ng mga ilegal na paputok na dadalhin ng mga ito sa bodega ng Fire and Explosive Division para sa kaukulang disposisyon.

Ang mga mahuhuling ilegal na nagtitinda ng paputok ay pagmumultahin ng P20,000 hanggang P30,000 o makukulong ng anim na buwan hanggang isang taon. Kakanselahin din ang kanyang lisensya at business permit pati na rin ang mga nakaimbak pa nilang mga paputok. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon/SPPO)