Monday, January 17, 2011

CITY VET PALALAKASIN PA ANG KAMPANYA LABAN SA MGA STRAY DOGS


SORSOGON PROVINCE – Sinabi ni Sorsogon City Veterinarian Dr.Alex Destura na higit pa nilang palalakasin ang kanilang kampanya laban sa mga galang aso na kadalasang nagdadala ng malaking problema sa komunidad at kalikasan.

Ayon kay Destura ang mga galang aso ay hindi lamang tagadala ng mga sakit mula sa mga nakakalkal nitong mga basura, kundi maging ng rabis na maaring maisalin sa tao anumang sakaling sila ay makagat o di kaya’y malawayan ang mga sugat partikular ng mga batang malapit sa mga aso.

Maliban dito, ang mga asong gala din madalas na kumakalat ng mga mga ito kundi panganib dahilan sa nakakamatay ang kagat ng mga ito at ubod pa ng mahal ng mga gamot na anti-rabbies sakaling may makagat ang mga rabbies carrier dogs.

Dagdag pa ni Destura na sa pagpapaigting nila ng kampanya laban sa mga stray dogs, nais din nilang itatak sa isipan ng mga dog owners na ang pag-aalaga ng aso ay isang napakalaking responsibilidad.

Kinakailangan aniyang painiksyunan, paliguan, pakainin at painumin, alagaan ng mabuti at gawing malinis ang mga ito upang hindi ito maging banta sa mga tahanang tinitirhan nila.

Paalala din ni Destura na dapat na maging aware ang mga nag-aalaga ng aso ditto sa lungsod na mahigpit na nilang ipinapatupad ang city ordinance laban sa mga nagpapabaya ng kanilang mga alagang aso at kung sakaling mapapatunayan nagpabaya ang may-ari at hahayaang nakakalat ang mga aso sa kalsada ay papatawan sila ng karampatang penalidad base sa isinasaad ng ordinansa.

Kung sakali namang nakakagat ang kanilang alagang aso at tinalikuran ang responsibilidad sa pagpapagamot dito, mayroon ding nakaambang kaukulang parusa para sa mga may-ari ng aso.

Kaugnay nito, nanawagan si Destura sa publiko na makiisa at tulungan sila sa kanilang kampanya nang sa gayon ay mapangalagaan ang seguridad kapwa ng mga aso at ng mga tao.


No comments:

Post a Comment