SORSOGON PROVINCE - Dahil sa patuloy na pag-ulan ang 6 na buwan na bagong gawa na tulay sa Barangay Sta. Fe, Pilar, Sorsogon ay nanganganib na bumagsak dahil sa malakas na pag-agos ng tubig at paunti-unting pagguho ng lupa na kinatitirikan nito. Ayon kay Kgd. Art Gatchetorena sila ay nangangamba dahil sa kargdagang apat na pulagada na pagbaba ng tulay. Namataan din na walang mga warning signs malapit sa tulay.
Samatala, mananatiling one way at unpassable sa mga malalaking behekulo na dumadaan dito. Umaapela naman ang lokal na mga residente s a gobyerno at DPWH na mag-inspeksyon at magpadala ng tulong para maiwasan ang aksidente sa nanganga nib na pagbagsak ng tulay.
No comments:
Post a Comment