Monday, January 17, 2011

DOLE – SORSOGON FIELD OFFICE AAKSYON MULI SA PAMAMAGITAN NG WAGE EMPLOYMENT


SORSOGON PROVINCE – Sa pamumuno ni Provincial Field Officer Imelda E. Romanillos, isinasagawa  ng Department of Labo r and Employment ang konsultasyon sa mga LGU Mayors sa Munisipyo ng Juban at Casiguran sa hiling na muling magkakaroon ng Wage Employment sa mga displaced  emergency employed workers  sa lugar.

Matatandaan na nagsagawa ng pagpapasahod sa mga manggagawa na hindi makapagtatrabaho dahil sa kalamidad na dala ng pag-aalburuto ng bulkan g Bulusan nang nakaraang taon. Kasama dito ang dalawang munisipyo gayundin anmg Irosin.

Sinabi ni Romanillos na posible na maibigay ang kahilingan sa buwan ng Pebrero o Marso sa kasalukuyang taon. May nakalaang P.5 milyon na budget para rito, mas mataas ng isang milyon  ng nauna.

Mabibigyang pagkakataon nito ang may 100 mangagawa/  displaced workers  partikular na sa munisipyo ng Juban na makatatanggap ng P180.00 na sahod bawat araw  na tatagal ng sampung araw  sa pamamagitan Community works tulad ng paglilinis ng mga  daluyan ng tubig at mga palikuran sa evacuation sites.

Sama ntala under reassesment pa ang munisipyo ng Casiguran dahil sa hindi naman ito ganong naapektuhan.


No comments:

Post a Comment