SORSOGON PROVINCE – Sa pamumuno ni Provincial Field Officer Imelda E. Romanillos, isinasagawa ng Department of Labo r and Employment ang konsultasyon sa mga LGU Mayors sa Munisipyo ng Juban at Casiguran sa hiling na muling magkakaroon ng Wage Employment sa mga displaced emergency employed workers sa lugar.
Matatandaan na nagsagawa ng pagpapasahod sa mga manggagawa na hindi makapagtatrabaho dahil sa kalamidad na dala ng pag-aalburuto ng bulkan g Bulusan nang nakaraang taon. Kasama dito ang dalawang munisipyo gayundin anmg Irosin.
Sinabi ni Romanillos na posible na maibigay ang kahilingan sa buwan ng Pebrero o Marso sa kasalukuyang taon. May nakalaang P.5 milyon na budget para rito, mas mataas ng isang milyon ng nauna.
Mabibigyang pagkakataon nito ang may 100 mangagawa/ displaced workers partikular na sa munisipyo ng Juban na makatatanggap ng P180.00 na sahod bawat araw na tatagal ng sampung araw sa pamamagitan Community works tulad ng paglilinis ng mga daluyan ng tubig at mga palikuran sa evacuation sites.
Sama ntala under reassesment pa ang munisipyo ng Casiguran dahil sa hindi naman ito ganong naapektuhan.
No comments:
Post a Comment