Saturday, December 15, 2012
BFP SORSOGON CITY INTENSIFIES FIRE SAFETY INSPECTION IN PREPARATION TOTHE FORTHCOMING YULETIDE SEASON
Headed by FO3 Dante D Ditan, Chief FSES of BFP Sorsogon City, the inspection team look over for the ICC seal on the Christmas lights being sold to make sure that it passes the DTI standard. Further, fire safety inspectors also check the wires as well as the plug of the said Christmas decors.
In addition, the team also inspected some of the first aid fire protection appliances such as portable fire extinguisher, smoke detectors and panic door of the establishment to ensure public safety. (MGCorral, BFP/PIA Sorsogon)
Blessing and Inauguration of Sorsogon provincial Hemodialysis Center
Blessing and Inauguration of the Sorsogon Provincial Hemodialysis Center located at Dr. Fernando B. Duran, Sr. Memorial Hospital Compound in Brgy. Macabog, Sorsoogn City last December 14, 2012. Provincial Health Offccer Dr. Edgar F. Garcia, Jr. said that for a starter, they have an initial 2 units of hemodialysis machines, but the provincial government will still continue its effort to acquire additional units to cater to the increasing number of dialysis patients in the province. (BARecebido, PIA Sorsogon/Photo courtesy of Ms. Irma A. Guhit)
Seal of Barangay Good Housekeeping igagawad ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas – Sorsogon chapter
Ni:
Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Disyembre 14 (PIA) –
Anim mula sa labing-apat na mga munisipyo sa Sorsogon ang nominado para sa Seal
of Barangay Good Housekeeping, masusing pinili at gagawaran ng pagkilala ng
Liga ng mga Barangay sa Pilipinas – Sorsogon chapter.
Ayon kay Liga ng mga Barangay Sorsogon
Provincial Federation president Neson Marana, dumaan sa masusing proseso ang
mga ito bago tuluyang mapili ng mga hurado at makuha ang nasabing parangal.
Marso ngayong taon nang simulan nila ang Roll-Out o pagsumite ng mga
application form para sa preliminary screening at pre-validation.
Abril hanggang Oktubre ay isinagawa naman
ang Assessment at Validation ng mga nagsumite ng kanilang application forms sa
municipal at provincial level. Limang
mga barangay at isang Muniicipal Liga Chapter mula sa dalawang distrito ng
Sorsogon ang pipiliing makakuha ng seal of Brgy Good Housekeeping.
Ang pinal na bahagi ay ang paggawad ng
nasabing parangal sa mapipiling barangay, isa sa unang distrito at isa naman sa
ikalawang distrito ng Sorsogon.
Upang maging kwalipikado sa nasabing
pagkilala, lahat ng mga barangay at Liga municipal chapter ay isasailalim sa
good housekeeping evaluation at dapat na makapakita ng mga dokumento sa mga
sumusunod na key area: planning, budgeting, revenue collection, financial
management at tamang paggamit ng budget, procurement at resource mobilization.
Ang Seal of Barangay Good Housekeeping ay
bahagi ng pagsisikap ng kanilang samahan na matulungan ang mga kasaping chapter
nito upang makamit ang pag-unlad at gawing epektibong katuwang ang mga barangay
sa pag-abot ng layuning pangkaunlaran ng pamahalaang nasyunal at maayos ang mga
nakaugalian na ng mga barangay pagdating sa lokal na pamamahala.
Samantala, maliban sa paggawad ng Seal of
Brgy Good Housekeeping, pipili din ng ng Outstanding Brgy Captain at Brgy
Kagawad.
Ayon kay Marana, sampung Outstanding Brgy
Captain mula sa 541 mga barangay sa lalawigan at apat na Outstanding Brgy
Kagawad naman ang gagawaran ng nasabing mga parangal.
Kabilang sa mga criteria ay ang attendance
sa mga sesyon at pulong ng barangay, mga naipasang ordinansa, partisipasyon sa
mga programa ng pamahalaan at iba pang mga natatanging nagawa sa kanilang
barangay.
Ayon kay Marana, ginawa nila ang hakbang na
ito ng pagkilala sa mga natatanging bayan at mga opisyal ng barangay upang mapataas
pa ang moral ng mga ito at gawin nila ang mga trabahong nakaatang sa kanila
para sa ikauunlad ng kanilang mga lugar at mga naninirahan dito. (BARecebido,
PIA Sorsogon)
City SWO, ipinamahagi na ang tulong pang-edukasyon sa mga mag-aaral ng SPED
Ni: FB Tumalad
LUNGSOD NG SORSOGON, Disyembre 13 – Pormal
nang naipamahagi nitong nakaraang buwan sa 100 mag-aaral ng Special Education
(SPED) ng Sorsogon East Central School ang tulong pang-edukasyon na
nagkakahalaga ng isanlibong pisong tseke mula sa tanggapan ng Sorsogon City
Social Welfare.
Ayon kay Sorsogon City Public Employment
Services Office (PESO) head Henry Guemo, personal na iniabot ni City Social
Welfare Head Mae Esta at City Mayor Leovic Dioneda sa isang simpleng seremonya
sa City Hall ang kabuuang isangdaang libong pisong tseke sa mga batang SPED
bilang Educational Assistance.
Matatandaang taon-taon ay tumatanggap ang
mga batang ito ng tulong mula sa lokal na pamahalaan ng lungsod ng Sorsogon sa
ilalim ng administrasyon ni Mayor Leovic R. Dioneda.
Maliban sa tulong pinansyal, dalawang SPED
pupil din ang nakatanggap ng libreng Starter Kit bilang tulong pangkabuhayan mula
sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa tulong naman ng Sorsogon City Public
Employment Services Office (PESO).
Lubos din ang pagtanaw ng malaking pasasalamat
ng mga magulang sa suporta ng lokal na pamahalaan at mga ahensya sa mga Persons
With Disabilities (PWDs). Anila, sa kabila aniya ng kakulangang pisikal ng
kanilang mga anak ay binibigyan pa rin ito ng pag-asa at prayoridad ng
gobyerno. (FB Tumalad, PIA Sorsogon)
DPWH bukas pa rin sa pagtanggap ng akredistayon ng mga CSO
Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Disyembre 13 (PIA) –
Tiniyak ni Department of Public Works and Highways Sorsogon 2nd
District Engineer Romeo Doloiras na bukas pa rin ang kanilang ahensya sa
pagtanggap ng mga Civil Society Organization (CSO) na nais magpaakredit sa
kanila nang sa gayon ay mapabilang ito sa mga tagapagsubaybay sa pagpapatupad
ng mga proyekto ng DPWH.
Ayon kay Doloiras, bahagi umano ang hakbang
na ito ng kanyang Public Management Program Re-entry Plan.
Matatandaang noong Setyembre nitong taon ay
isinailalim ang isang team ng DPWH na kinabibilangan ng mga section head sa
isang oryentasyon kung saan ibibilang na ang mga CSO sa mga susubaybay sa proyektong
pangkaunlarang ipinatutupad ng DPWH.
Aniya nararapat ang hakbang na ito sa
pagpapatupad ng ‘transparency’ ng kanilang tanggapan. Ang mga CSO umano ay
magiging partner at obserbador din sa lahat ng mga pagdadaanang bahagi ng
proyekto katulad ng pagtukoy ng uri ng proyekto, pagbili ng mga kagamitan o
materyales, pati na ang gagawing post evaluation ng proyekto.
Inamin ng opisyal na may mga obserbasyon
silang naitatala kung saan mayroon umanong mga kontratistang masyadong mabagal
sa pagpapatupad ng proyekto at hindi nakakaabot sa panahong itinakda, habang
mayroon ding hindi gumagamit ng mga materyales ayon sa nakasaad sa program of
work. Ito umano ang ilang mga kadahilanan kung bakit isinama na nila ang mga
CSO sa pagpapatupad nila ng kanilang mga proyekto.
Sinabi din ni Doloiras na inatasan rin niya
ang ilan sa mga tauhan niya na gumawa ng Memorandum of Understanding (MOU) sa
pagitan ng DPWH at CSO upang maisaayos na ang mga rekisitos at mekanismong
kakailanganin upang makasama sa pagpaplano at pagtukoy ng mga proyekto.
Sakaling handa na, ipaliliwanag sa napiling CSO ang nilalaman ng MOU.
Isasailalim din sila sa pagsasanay upang mas maging pamilyar sa pagpapatupad ng
proyekto. Magsasagawa din ng pagpupulong kasama ng mga kontratista upang
matalakay sa kanila ang detalye kung bakit kailangan ng CSO sa pagsubaybay sa
implementasyon ng proyekto.
Matapos ang mga pamamaraang ito ay
iimbitahin din ang mga municipal engineer at kapitan ng barangay kung saan
ipapatupad ang proyekto upang maging saksi sa magiging pirmahan ng MOU. Limang
CSO sa buong probinsya ang pipiliing i-akredit ng DPWH. (BARecebido, PIA
Sorsogon)
Wednesday, December 12, 2012
Sosogon Festival 2012 opisyal nang binuksan ngayong araw
Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Disyembre 12 (PIA) – Sa
kabila ng malakas na buhos ng ulan, opisyal nang binuksan kanina, alas otso ng
umaga, ang pagdiriwang ng Sosogon Festival 2012 sa pamamagitan ng isang parada
na nilahukan ng mga empleyado ng pamahalaang lokal ng Lungsod ng Sorsogon, mga
opisyal ng 64 na barangay ng Sorsogon City, akademya, mga isponsor ng aktibidad
at iba pang stakeholder.
Tampok sa ginawang parada ang mang-aawit at
personalidad sa showbiz na sina Ronnie Liang at Empress Shuck kung saan pinagkaguluhan
ito ng publiko lalo na ng mga kabataan.
Agad ding isinunod ang isang programang
tuluyang nagdeklara sa pagbubukas ng limang araw na Sosogon Festival.
Ilan pa sa mga tampok na aktibidad ngayong
araw ay ang pagbukas din ng Sosogon Expo 2012 sa Festival Center kung saan
makikita dito ang iba-ibang mga produktong agrikultural, pagkain, negosyo at
turismo ng Sorsogon City, tema nito ang “Tangkilikin Produktong Tatak Kalikasan”.
Magtatagal ang Sosogon Expo hanggang sa Disyembre 21, 2012.
Isinagawa din ngayon ang Likhang Daliri o
Sosogon Architect Exhibit sa ikalawang palapag ng City Hall.
Ala-una ng hapon kanina ay ginawa naman
ang Sosogon Skills Competition sa lobby ng City Hall kung saan ipinakita ng mga kalahok ang kani-kanilang kasanayan sa Bar tending, paglalagay ng dekorasyon sa
cake at table skirting.
Gaganapin din sa hapon ang Sosogon Lantern Parade at Night Float Competition na ipinarada mula sa Central Business
District papunta sa Festival Center ng Sorsogon City. Makikita din ng publiko
ang makukulay na ilaw sa Festival Center sa gagawing Cermonial Switch-on ng mga
Christmas Light at iba’t-ibang mga palamuti, alas-sais ng gabi.
Isang Libreng Dyaming din ang gaganapin
alas-syete ng gabi sa Festival Center, isa itong libreng konsyerto na
tatampukan ni Warren J. Habang ginagawa ang konsyerto ay magpapalipad naman ng
mga Wishing Sky Lanters na tiyak na dadagdag pa sa makulay na aktibidad ng
pagbubukas ng Sosogon Festival ngayong taon.
Subscribe to:
Posts (Atom)