LUNGSOD
NG SORSOGON, Disyembre 10 – Sa nalalapit na pagdiriwang ng Pasko at ng Bagong
taon, muli na namang pinaiigting ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang
kanilang paalala sa publiko ukol sa ibayong pag-iingat upang maiwasan ang
anumang peligrong maaaring magdala ng sunog at iba pang mga pangyayaring
kaugnay nito.
Ayon
kay BFP Sorsogon City Fire Marshal SInsp Walter Marcial, likas na sa mga
Sorsoganon o sa mga Pilipino sa kabuuan na ipagdiwang ang panahon ng kapaskuhan
at salubungin ang Bagong taon na maliwanang, maingay at makulay subalit dapat
umanong maging maingat nang sa gayon ay di malagay sa panganib ang buhay at maging
mga ari-arian habang nagkakasiyahan at nagdiriwang ng okasyon.
Kung
kaya’t bilang paghahanda umano sa darating na okasyon, pinaiigting ngayon ng
BFP Sorsogon City ang “Oplan Paalala Advocacy 2012” sa pamamagitan ng
iba’t-ibang mga aktibidad na magpapalalim pa sa kaalaman ng publiko ukol sa mga
hakbang pangkaligtasan laban sa sunog.
Ayon
sa opisyal, sinimulan na nila noong Disyembre uno na magtatagal hanggang sa
Disyembre 15 ang Fire Safety Evaluation/ Assessment/ Inspection sa mga
establisimyento sa lungsod na nagbebenta, namamahagi at gumagawa ng mga paputok
at kwitis at maging yaong nagbebenta ng mga Christmas lights upang matiyak na
nakapasa ito sa istandard ng Deparftment of Trade and Industry (DTI) at
mayrooong tatak ng Import Commodity Clearance (ICC).
Mayroon
na din umano silang ginagawang koordinasyon sa mga Local Government Unit (LGU),
Business Permit and Licenses Office (BPLO), Philippine National Police (PNP),
Disaster Risk Reduction Management Council (DRRMC) at iba pang mga ahensya ng
pamahalaan kaugnay ng pagbebenta ng mga paputok at kwitis upang maiwasan ang
mga ilegal na operator at tagagawa ng mga produktong ito.
Maliban
dito ay ipatutupad din simula sa Disyembre 16 hanggang sa Enero 2, 2013 ang
“Oplan Paalala” at “Oplan Iwas Paputok”, “Aksyon Paputok Injury Reduction”
(APIR) at “Ugnayan sa Mamamayan” Advocacy Campaign.
Mula
naman Disyembre 23, 2012 hanggang Enero 2, 2013 ay isasailalim sa Heightened
Alert Status ang mga awtoridad habang mula Disyembre 24 hanggang Disyembre 31
ay magsasagawa naman sila ng mga pag-iikot upang pukawin ang kamalayan ng
publiko at paalalahan ito ukol sa mga hakbang pangkaligtasan laban sa sunog.
Magkakaron din umano sila ng feeding activity sa ilang mga piling lugar sa
lungsod sa panahong ito.
Dagdag
pa niya na magkakaroon din sila ng libreng blood pressure monitoring.
Maglalagay din sila ng mga tauhan ng BFP sa mga malalaking tindahan sa lungsod
upang matiyak na ligtas na nakakapamili ang mga kunsumidor sa panahon ng
Christmas sale at “last hour shopping”. Makikita din umano ang mga fire truck
sa mga pampublikong lugar at handa sakaling magkaroon ng sunog.
Pinayuhan
din ni Marcial ang publiko na sakaling magkaroon ng sunog o aksidente, agad na
makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sa numerong (056) 421-6320 o sa (056)
211-7996 o sa cellphone number 09072927215 o sa kanilang hotline 160.
(BARecebido, PIA Sorsogon/MCECorral, BFP)
No comments:
Post a Comment