Info Bits on Government 101
MGA KATANGIAN NG MGA KARAPAT-DAPAT NA LINGKOD BAYAN
Mga
katangiang dapat makita sa isang karapat-dapat na Lingkod Bayan ay ang mga sumusunod:
- Dapat ay may hangaring tapat at mahusay sa kanyang paglilingkod sa publiko.
- Dapat ay may pantay at makatarungang pakikitungo sa sinumang lumalapit sa kanyang tanggapan.
- Dapat ay may integridad at walang hangaring gamitin ang kanyang tungkulin sa kanyang pansariling kapakanan.
- Dapat ay may integridad at paninindigan na hindi tatanggap ng anumang uri ng suhol o lagay.
- Dapat maka-Diyos at may damdaming pagserserbisyo lalo na sa mga mahihirap.
ANG ALKALDE
- Mamuno ng lahat ng mga programa, proyekto, mga gawain, at mga serbisyo para sa pangkalahatang kapakanan ng lungsod o bayan.
- Mangasiwa sa pagbabalangkas ng planong pag-unlad ng lungsod o bayan.
- Magpasimula at nagmumungkahi ng mga panukalang batas sa Sangguniang Pangbayan o Sangguniang Panglungsod.
- Magpatupad hindi lamang ng mga batas at ordinansa na may kaugnayan sa pamamahalang lungsod o bayan, kundi pati na rin ng mga“emergency measures” sa panahon ng mga kalamidad, natural man o sanhi ng tao.
- Kumatawan sa local na pamahalaang lungsod/bayan sa mga transaksyon na may kaugnayan sa negosyo, gayun din ang pagkakaloob ng mga lisensya at permit para sa mga bagong negosyo.
- Tiyakin na naibibigay ng local na pamahalaan ang mga pangunahing serbisyo sa mga mamamayan ng lungsod o bayan.
ANG BISE-ALKALDE
Ang mga pangunahing tungkulin ng isang Bise-Alkalde ay ang mga sumusunod:
- Panguluhan ang Sangguniang Bayan at pumirma bilang pag-garantiya sa lahat ng inilalabas sa local Treasury Office para sa lahat ng mga nakalaang gastusin ng local na pamahalaan.
- Humirang ng mga opisyal at empleyadong Sangguniang Bayan alinsunod sa Seksyon 46 Tomo 1 ng Local Government Code.
- Gumanap bilang kahaliling Alkalde at gampanan ang tungkulin, responsibilidad at kapangyarihan ng huli sakaling pansamantalang mabakante, o di kaya’y tuluyang mabakante ang posisyon nito.
ANG MGA KONSEHAL NG SANGGUNIANG BAYAN
Ang mga pangunahing tungkulin ng mga Konsehal ng Sangguniang Bayan o Lungsod ay angmgasumusunod:
- Magpasa ng mga ordinansa at magsumite ng mga resolusyon para sa ikasusulong at ikagaganda ng kanilang mga nasasakupan.
- Mangalaga sa likas na yaman ng bayan o lungsod at magpataw ng kaukulang parusa sa mga nahuling nang-aabuso ng likas na yaman sa kanilang nasasakupan.
- Mag-gugol ng naaangkop na pondo para sa konstruksyon at pagpapanatili ng mga pampublikong gusali.
- Magpanatili ng kapayapaan sa bayan sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga ordinansa.
- Magprotekta ng mga naninirahan sa nasasakupang munisipalidad at magkaloob ng mga serbisyo at tulong tulad ng relief services.
ANG TERMINO NG PAGKAKAHALAL NG ISANG ALKALDE, BISE –
ALKALDE at mga miyembrong SANGGUNIANG BAYAN
- AngAlkalde, Bise-Alkalde at mga Sangguniang Bayan o Lungsod ay maaring mahalal ng hanggang sa Tatlongsunod-sunod na termino lamang o hindi hihigit sa siyam na taong panunugkulan.
- Ang boluntaryong pagtalikod ng isang halal na local na opisyal tulad ng Alkalde, Bise-Alkalde, at mga Konsehal ng Sangguniang Bayan ay hindi dapat ituring na pagkaantala sa kabuuan ng kanilang termino.