Ni Bennie A. Recebido
SORSOGON CITY, May 3 (PIA) – Nagkaisa ang
mga opisyal ng 34 na mga barangay sa bayan ng Castilla, Sorsogon para isang
blood donation activity ngayong araw.
Sa ulat na ipinaabot sa PIA Sorsogon,
alas-otso kaninang umaga sinimulan ang libreng pagpapakuha ng dugo ng mga
barangay official sa Castilla.
Layunin ng hakbang na ito na makalikom ng
kaukulang bilang ng dugo at maibigay sa Department of Health nang sa gayon ay
may magamit ang mga pasyente sa panahon ng pangangailangan.
Matatandaang isa ang pangangailangan sa
dugo sa mga kinakaharap na suliranin at kakulangan sa mga ospital kung saan
kailangan pang maghanap ng dugo o blood donor para sa pasyente lalo na yaong
mga nanganganak.
Kaugnay nito, nanawagan din ang
LGU-Castilla sa iba pang mga lokal na pamahalaan sa Sorsogon na gawin ding
aktibidad sa mga barangay ang blood donation lalo pa’t hindi lamang ang mga
mangangailangang pasyente ang madudugtungan ang buhay kundi nakakatulong din
ito sa taong magbibigay ng dugo upang muling mapalitan ng bago ang dugong
mananalaytay sa kanyang mga ugat na magiging susi upang higit na maging malakas
at makapagpapabata pa sa kanya.
(BARecebido, PIA Sorsogon)