Friday, July 12, 2013

Pagsasanay sa mga paaralan at tanggapan prayoridad ng BFP Sorsogon City ngayong National Disaster Consciousness Month

Ni: FB Tumalad, Jr.

LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 12 (PIA) – Nakatakdang simulan ng mga kasapi ng Bureau of Fire Protection (BFP) Central Fire Station ang pagsasanay sa mga paaralan, tanggapan at iba pang istablisimyento sa Lungsod ng Sorsogon ngayong araw.

Ayon kay BFP Sorsogon City Fire Marshal SInsp Walter Marcial,  regular na ipinagdiriwang sa buong bansa ang National Disaster Consciousness Month taon-taon bilang paghahanda sakaling magkaroon ng mga sakuna at kalamidad tulad ng lindol, sunog at iba pa.

Isa umano sa layunin ng National Disaster Consciousness Month ay pukawin ang kamalayan ng mamamayan upang higit pang pag-ibayuhin ang pag-iingat lalo pa’t lantad sa iba’t-ibang uri ng panganib ang lalawigan ng Sorsogon.

Kanina ay pinangunahan ni SInsp Marcial ang unang bugso ng kanilang aktibidad dito sa lungsod kung saan nagsagawa sila ng Fire at Earthquake Drill  sa VIP Learning Center kalahok ang mga mag-aaral, mga guro at mga opisyal ng naturang paaralan.

Sa Hulyo 17, 2013 ay muli itong magsasagawa ng Fire Prevention Seminar (FPS) at Basic First Aid Training (BFAT) sa paaralan ng Aemilianum College, Inc. (ACI) na pangungunahan ng operations personnel ng Emergency Medical Service (EMS) ng City BFP.

Bibisatahin din ng mga ito ang City Hall upang magsagawa rin doon ng Fire Prevention Seminar at Basic First Aid Training sa mga empleyado. Magbibigay din ang mga ito ng lecture sa mga lumahok sa isinagawang pagsasanay sa City Hall hinggil sa tamang pangangalaga ng mga masasaktan at ipapakita rin sa senaryo kung paano ang pagbuhat ng mga nasaktan, pagbenda ng nabalian at first aid para sa mga nasugatan.

Sa Hulyo 19, 2013 ay muling babalik ang EMS team sa ACI upang magsagawa naman ng Fire at Earthquake Drill.

Sinabi pa ni SInsp Marcial na maaring mabawasan ang malaking danyos sa buhay kapag maagap ang bawat kasapi ng komunidad at mabilis magresponde sa mga hindi inaasahang kalamidad. (BAR/FBTumalad, PIA Sorsogon)



Bagong upong alkalde tutok agad sa mga prayoridad na proyekto at programa ng Lungsod ng Sorsogon

Ni:FB Tumalad, Jr.

LUNGSOD NG SORSOGON,Hulyo 12(PIA) – Pangalawang linggo pa lamang ng Hulyo ay agad nang nagpakita ng katapatan si Sorsogon City Mayor Sally Lee sa mga pangakong binitawan sa mamamayan ng Sorsogon City.

Matapos palitan ng bagong hepe ng Sorsogon City Policee na si City Pol. Supt. Arne Oliquiano and dating hepe ng lungsod na si PSupt. Edgardo Ardales nito lamang linggo ay nagbigay agad ng direktiba dito si Mayor Lee at sa mga kapulisang sakop nito tuldukan at tuluyang sugpuin ang mga iligal na aktibidad sa lungsod ng Sorsogon.

Hinamon ni Mayor Lee ang buong puwersa ng City PNP na maging mapagmatyag at panatilihin ang propesyunalismo sa kanilang mga tungkulin bilang tagabantay ng kaayusan at tagapagpanatili ng kaligtasan ng sambayan.

Inatasan din ni Mayor Lee ang mga ito na isulong ang kanyang kampanya at huwag papayagang maghari ang masamang bisyo sa lungsod. Hiling niya na mapanatili ang mababang insidente ng kriminalidad na may kaugnayan sa iligal na aktibidad.

Sinabi pa ng alkalde na nakahanda itong ibigay ang lahat ng suportang kakailanganin ng PNP upang makamit ang isinusulong na paninindigan ng kanyang administrasyon.

Ipinaalam din ni Lee sa publiko na ang kanyang Character First Program ay isa sa mga susi upang maibalik ang tiwala ng mga residenteng Sorsoganon at naniniwala siyang malaki ang gagampanang tungkulin dito ng mga kapulisan.

Makakaasa din umano ang mga Sorsoganon na makakamit ng mga ito ang hinahangad na 24/7 na serbisyo publiko. (BAR/FBTumalad, PIA Sorsogon)

.

Wednesday, July 10, 2013

Sorsogon nakakuha ng pinakamaraming parangal sa 13th Saringgaya Awards


Sta. Magdalena Mayor Dong Gamos at PENRO-LGU Head Engr. Beth Fruto (may hawak ng plake)
 Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 11 (PIA) –Muling napatunayan ng mga Sorsoganon ang kakayahan at galing nito sa pangangalaga ng kalikasan matapos na humakot ng pinakamaraming parangal at pagkilala sa ginanap na 13th Saringgaya Awards kaugnay ng naging pagtatapos ng pagdiriwang ng Environment Month, Hunyo nitong taon.

Sa ginanap na Culminating Activity, pumangalawa sa Battle of the Eagles si Denzel Gabriel D. Manuel ng Casiguran Central School kung saan nakatanggap ito ng tropeo, sertipiko ng pagkilala at P3,500.00 cash. Ang coach nito na si Ginoong Romulo De Jesus ay nakatanggap din ng sertipiko ng pagkilala at P2,000.00 cash.

Espesyal na pagkilala naman ang iginawad sa Provincial Environment and Natural Resources-LGU sa ilalim ng pamumuno ni Engr. Maribeth L. Fruto dahilan sa pangunguna nito na maitatag ang Integrated Coastal Management Council (ICM).

Nakuha din ng LGU-Sta Magdalena ang Saringgaya Awards LGU-Category. Ang LGU-Sta Magdalena sa pamumuno ni Mayor Alejandro Gamos ang nagpasimuno sa co-mangement ng micro watershed, pagpaprayoridad sa pagpapatupad ng Solid Waste Management (SWM) at Integrated Coastal Management.

Sa Academe Category – Elementary Division, ang Bolos Elementary School sa Irosin, Sorsogon ang nakakuha ng Saringgaya Awards dahilan sa matagumpay na pagpapatupad ng National Greening Program (NGP) sa paaralan sa pamamagitan ng Proyektong Munting Gubat at Gulayan sa Paaralan at ang maayos na pagpapatupad ng Solid Waste Management sa kanilang paaralan.

Ang Magallanes Vocational Technical High School ng Magallanes, Sorsogon ang Saringgaya Awardee sa Academe Category – High School Division dahilan sa kanilang pagsisikap na maipatupad ang Mangrove, Upland Reforestation at Solid Waste Management.

Habang sa ilalim ng Industry Category, kinilala naman ang Energy Development Corporation (EDC) dahilan sa mahalagang kontribusyon nito sa pagpapaunlad ng industriya sa mga komunidad. Ang pagkilala sa EDC bilang isa sa mga pangunahing destinasyon sa lalawigan ng Sorsogon ay isang malaking ambag sa pagsusulong ng magandang ekonomiya sa lugar.

Ang Saringgaya ay terminong Bikolnon na nangangahulugan ng kasaganaan, kayamanan at kaunlaran.

Ayon kay DENR Sorsogon Information Officer Forester Annabelle Barquilla, ang Saringgaya Awards ang sa tuwina’y hinihintay na bahagi ng pagdiriwang ng Environment Month sa rehiyon ng Bicol lalo na’t nakasanayan na ang pagbibigay ng parangal at pagkilala sa mga indibidwal, grupo, Lokal na Yunit ng Pamahalaan, industriya at mga paaralan na may natatanging serbisyo at pagpapahalaga sa kalikasan. (BARecebido, PIA Sorsogon)

Tuesday, July 9, 2013

Gov. Lee to CNN, Phil Army: “Initiate meaningful dialogue”

Sorsogon Gov. Raul R. Lee

By: Bennie A. Recebido

SORSOGON CITY, July 9 (PIA) – The recent encounter between the Philippine Army 31st Infantry Battalion and the elements of the Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CNN) in the hinterland barangay of Upper Calmayon, Juban Sorsogon underscores that peace though within our grasp is still elusive. It was no longer isolated, the engagement of the two sides were also recorded in other municipalities of Sorsogon, most recently in the towns of Irosin, Gubat and Casiguran.

This was the statement of Sorsogon Governor Raul R. Lee as relayed by Provincial Administrator Robert Rodrigueza.

Mr. Rodrigueza said that the Governor issued statement calling for cessation of hostilities especially that there are losses of lives and civilians being victimized by this unworthy cause.

It can be noted that on July 7, 2013 one female participant and student of Bicol University-Gubat Campus was hit by bullets fired by the perpetrators when personnel of Gubat Municipal Police Station while conducting marshall with the Fun Run activity of the same school was harassed by unidentified lawless elements believed to be CNN at Brgy Buenavista, Gubat, Sorsogon. The victim suffered gun shot wounds to her both feet and was rushed to the hospital. The victim was released by the hospital safely on the next day.

Gov. Lee said the succeeding incidents of encounters and harassments in the province marred the image which he desire for the province and will also undermine the efforts of his administration to put Sorsogon in the map of secured tourist destination and investor’s hub.

“I appeal and call upon all parties involved to initiate a meaningful dialogue to start in the local level in order to preserve life and explore all avenues to implement doable formula for a lasting peace. I call upon the leaders of the inter-faith community in the province to join me in our common quest for peace,” the Governor stressed out.

“To this end, I am offering the resources of the Provincial Government as an initial step and reaching out to our brothers in the hills and the military for an end to the hostilities,” he further said. (BARecebido, PIA Sorsogon)

NGCP improves water system in Sta. Magdalena, Sorsogon



 Testing the Water. Mr. Nelson Cabangon, NGCP Head of Corporate Affairs (middle), Brgy. San Rafael Chairman Norbie F. Forte (first from left), and Sta. Magdalena Mayor Alejandro E. Gamos (1st from right) at the inauguration of the Communal Water System on June 17, 2013.
------------------------------------------------------------------------------------------------

STA. MAGDALENA, SORSOGON, July 9 – For a 5th class municipality like Sta. Magdalena in Sorsogon, access to fundamental services and utilities like water may not be as easy compared to other more developed towns.

Fortunately, the National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) saw this problem and attended to it by helping one of the barangays in Sta. Magdalena – Brgy. San Rafael – improve their communal water system.

Through NGCP’s Corporate Affairs Department, the local government unit of Brgy. San Rafael requested for the project through a resolution signed by the barangay officials. NGCP, in response,



financed the project to cover the cost of materials and labor needed for the construction.

Before the construction commenced, the existing water system of Brgy. San Rafael cannot reach the far-flung sitios of the barangay. Three sitios with approximately 150 households did not have access to water. To address this, NGCP built a separate water reservoir and extended the water pipes of the existing system for the three sitios.

The system operator was pleased to have helped Brgy. San Rafael. “We responded positively to their request because water, like electricity, is a basic commodity. All communities deserve to have a water system that is clean, serviceable, and reliable,” Mr. Nelson F. Cabangon, NGCP’s Head of Corporate Affairs, stated.

Brgy. San Rafael houses NGCP’s Sta. Magdalena Cable Terminal Station which interfaces the submarine cables and the overhead transmission lines of the High Voltage Direct Current (HVDC) link that connects the Luzon grid with the Visayas grid. Aside from interfacing the submarine cables and overhead transmission lines, the station also serves as an oil pumping plant to maintain the pressure and quality of oil used for submarine cables.

NGCP is a privately owned corporation in charge of operating, maintaining, and developing the country’s power grid. It transmits high-voltage electricity through “power superhighways” that include the interconnected system of transmission lines, towers, substations, and related assets. As a responsible corporation, NGCP supports the communities hosting its transmission facilities, which it considers as a true partner in nation-building. (NBautista, NGCP/PIA Sorsogon)

Phil Army pinabulaanan ang mga paratang ng CNN sa naganap na engkwentro sa Juban, Sorsogon


Officials of Phil Army Bicol and PNP Sorsogon during the Press Conference.

Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 9 (PIA) – Pinabulaanan ng Philippine Army sa pamamagitan ni 903rd Commanding Officer ng Philippine Army Col. Joey Kakilala ang isyu ukol sa bintang ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CNN) na may kinuha silang P300,000 na halaga ng pera at wala rin umanong overkill o paglabag na ginawa ang mga militar sa naganap na engkwentro sa Brgy Upper Calmayon sa Juban, Sorsogon noong Hulyo 4, 2013.

Sa pamamagitan ng isang powerpoint presentation, inilahad ni Col Kakilala ang geographical location kung saan naganap ang engkwentro at kung paanong naganap ang engkwentro sa pagitan ng 31st Infantry Battalion at mga kasapi ng CNN. Ipinakita din sa mga mamamahayag ang nakuhang kagamitan na kinabibilangan ng mga armas, bala, improvised landmine devise at mga bag na naglalaman ng personal na kagamitan ng mga napatay sa labanan.

Sinabi ni Col Kakilala na isa sa mga nakuha nila ay isang ATM mastercard, at kung sakali mang may pera nga, para sa kanya ay mas makabubuting ibigay na lamang ito sa pamilya ng mga nasawi sa engkwentro.

Ayon naman kay Scene of the Crime Operatives (SOCO) Sorsogon head PCI Gregorio M. Villanueva, wala pang resulta ang imbestigasyon nila at nasa kamay pa ng mga doktor ng pamahalaan ang pagsusuri sa mga narekober na bangkay.

Sinabi din ng mga opisyal na malaking tulong ang mulat nang mga residente sa barangay na nagpapa-abot sa kanila ng impormasyon dahilan upang maisagawa nila ng matagumpay ang kanilang operasyon laban sa mga rebelde sa pamahalaan.

Ang mga residenteng ito ay nagsasawa na rin umano sa pangingikil at kaguluhang hatid ng mga rebelde sa kanilang lugar na nagiging hadlang upang matamasa nila ang mapayapa at higit na maunlad na pamayanan.

Sinabi naman ni 9ID Philippine Army Acting Spokesperson Lt Col. Medel Aguilar na hindi nila ikinatutuwa na may mga namamatay na kapwa Pilipino at nadadamay na mga sibilyan dahilan lamang sa mga walang katuturang labanan. Nawa’y magsilbi umanong halimbawa ang nangyari doon sa mga Pilipinong mas pinili o balak pang piliin ang pagtahak sa maling landas.

Mahigpit din ang naging panawagan ng mga opisyal sa mga mamamahayag na tulungan ang pamahalaan sa paghikayat sa mga rebelde na isuko na ng mga ito ang kanilang armas, at bagkus ay kondenahin ang maka-komunistang prinsipyo at magbalik-loob sa pamahalaan at mamuhay ng mapayapa nang sa gayon ay makamit na ang tunay na pag-unlad ng mga pamayanan sa buong rehiyon. Maaari umanong makipag-ugnayan ang mga residente sa barangay o ang publiko sa Philippine Army sa pamamagitan ng mga numerong ito: (GLOBE) 0917-5581-317 at (SMART) 0939-9075-314. (BARecebido, PIA Sorsogon)