LUNGSOD NG SORSOGON, HulyO 9 (PIA) – Nakatakdang
magsagawa ngayong araw ng Press Conference ang pamunuan ng Sorsogon Police Provincial
Office sa pamumuno ni Provincial Director Police Senior Superintendent Ramon S.
Ranara.
Ito ay kaugnay ng isang kasapi ng Communist Party of
the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CNN) na
boluntaryong pumunta at sumuko sa Donsol Municipal Police Station.
Sa nasabing press conference, ipiprisinta din ang
nasabing rebeldeng kusang loob na bumaba
ng kabundukan at boluntaryong sumuko kahapon bandang 8:20 ng umaga sa hepe ng
Donsol Municipal Police Station sa Donsol, Sorsogon.
Kinilala ang sumukong rebelde sa pangalang Merjel
Nebria y Omnes aka Joy, na diumano’y Vice Chairman ng CNN Donsol Larangan 2 Komite
sa Probinsya (KOMPROB) Sorsogon. (BA Recebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment